Facebook

Walang bakuna

ODIONGAN, ROMBLON — IMBAKAN ng bakuna ang Marikina City dahil mula paliparan dinadala dito ang mga bakuna. Ngunit hindi naumpisahan umano ang anumang programa sa bakuna sa siyudad na nasa paanan ng bulubundukin ng Sierra Madre. Sobrang maingay si Marcy Teodoro, alkalde, ngunit walang makapagsabi kung may nailunsad siya na bakunang bayan. Mukhang kulang sa bangis si Marcy. O hanggang bangis lang siya at walang kagat pagdating sa totohanang programa.

Maingay si Marcy. Animo’y ng isang progresibong alkalde na sumasalubong sa rumaragasang toro at hawakan sa magkabilang sungay upang iwasiwas sa apat na sulok ng mundo. Subalit sa ngayon, walang malinaw na programa ang kanyang siyudad upang bakunahan ang mga senior citizen. Ano na ang nangyari, Mars?

***

Masaya ang mga nasa larangan ng kalusugan sapagkat nakapagbakuna sila ng aabot na isang milyon sa loob ng isang buwan. Pinagtatawanan ang mga awtoridad sa kalusugan sapagkat ang Indonesia na kapareho lamang ng Filipinas ay nakapagbakuna na ng 15.8 milyon. Tuloy-tuloy ang bakunang bayan sa Indonesia, samantala parang palyadong makina ng kotse ang sistema sa Fiipino. Hindi humaharurot. Patigil-tigil sa biyahe.

Sa kabagalan ng bakunang bayan ng Filipinas, aabutin ng sampung taon upang mabakunahan ang 70 milyon ng populasyon at magkaroon ng “herd immunity” sa bansa. Sobrang bagal kung ihahambing sa ibang bansa. Sa Estados Unidos, mahigit tatlong milyon ang nababaknahan araw-araw. Sa atin, hanggang ngayon hilo sila.

***

ANG konsepto ay “viable opposition leader.” Ang ibig sabihin sa Filipino ay ang lider oposisyon na katanggap tanggap sa madla. Siya ang lider oposisyon na tinitingala at iginagalang. Sinabi minsan ni Ba Ipe na upang matanggap na lider oposisyon, kailangan ay sila ang mga mimura ni Rodrigo Duterte. Kung hindi minumura, walang karapatan na tawagin na lider oposisyon.

Teka hindi naman minumura si Manny Pacquiao, Ping Lacson, at Dick Gordon. Hindi sila puede na tawagin lider Oposisyon. Ang mga minumura palagi ni Duterte ay sina Leni Robredo, Sonny Trillanes, at Leila de Lima. Ang tatlong huli ang viable opposition leader.

***

MALAKING publication ang Global Finance. Babasahin ito ng mga piling mangangalakal at opisyales ng gobyerno sa buong mundo. Kamakailan, nagkaroon sila ng isang survey tungkol sa usapin sa katahimikan ng 163 bansa sa mundo. Kulelat ang Filipinas sa mga bansa sa Timog Silangang Asya. Nauna pa ang Myanmar na nasa ilalim ng military junta.

Sa 163 bansa na binigyan ng ranking, lumabas na pang-129 ang Filipinas. Narito ang ranking nila: Singapore, 7th; Malaysia, 2oth; Indonesia, 49th; Laos, 50th; Timor Leste, 54th; at Vietnam, 64th. Kasama ang Cambodia, 78th; Thailand, 114th; Myanmar, 127th; at Filipinas, 129th. Sinong sisihin? Sino pa kundi ang bangag sa Malacanang.

May 34 bansa ang mas mababa sa Filipinas. Nandiyan ang North Korea, Sudan, Libya , Syria, Afghanistan, Iraq, Yemen at iba pang bigong estado sa buong mundo. Ang nakakatawa ay humihirit ang pangkat ng Davao City sa 2022. Hindi marunong mahiya sa kanilang kabalbalan at kawalang kakayahan. Anim na taon pa? Huwag na.

*.**

MAY isinulat na sanaysay ang aming kaibigan na manunulat Roly Eclevia. Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo:

Like Brazil, Philippines
becoming Covid-19 petri dish

Brazilian President Jair Bolsonaro, like Rodrigo Duterte, has downplayed Covid-19’s deadly effects. Now Brazil is paying dearly, with the country reporting 100,000 cases a day. The health system has collapsed, and the death rate is higher than that of the U.S. per capita.

Under ex-President Donald Trump, a dictator wannabe and an imbecile like the Brazilian and Filipino presidents, the U.S. registered more than half a million deaths from the disease. Only Joe Biden’s election as president is giving Americans hope of ever arresting the trend. He has upped the rate of vaccination to three million a day.

The speed with which the Covid-19 jumps from host to host in Brazil has enabled the disease to mutate into what the world medical community calls P.1, a variant more transmissible and deadlier. If Brazil is the worst performing country in South America, that dubious distinction goes to the Philippines, as far as Southeast Asia is concerned.

We’re not there yet, but with Mr. Duterte at the helm, the Philippines will go the way of that South American country, a giant petri dish for the disease.

***

SABI ni Ba Ipe: “Tama si Sonny Trillanes. Hanggang maari, huwag pansinin si Rodrigo Duterte at Bong Go. Hindi dapat sineseryoso at pinaniniwalaan ang kanilang script. Obligahin natin sila magtrabaho at harapin ang krisis ng bansa. Hindi biro ang tindi ng pandemya kung saan lampas 10,000 kada araw ang tinatamaan ng infection at marami ang namamatay. Hindi biro ang paglusob ng mga Intsik at pagkamkam sa ating teritoryo.

“Ang sineseryoso ay si Sonny Trillanes na nagsabi: ‘Sa mga anti-duterte naman, sana po sa susunod, wag na ulit kayong sumakay sa script nila na ganyan. Ilang beses nya tayo niloko sa ganyan. It diverts our attention from calling out his bsenteeism/incompetence in times of severe national crisis, which is the real issue.’”

***

HANGGANG kanina ng isinusulat namin ang kolum na ito, hindi magkamayaw ang social media sa pagtuligsa kay Rodrigo Duterte tungkol sa kanyang pagkakalat noong Lunes ng gabi nang humarap siya sa telebisyon para sa kanyang lingguhang pagbubunganga sa harap ng madla. Iisa ang mensahe, kahit sila hindi natutuwa sa inasal ng tila bangag na lider. Hindi tumitigil ang kanilang panulat sa pagpapahayag ng kanilang kuro-kuro kay Duterte.

Mababa ang tingin nila kay Duterte. Sobrang baba. Masyado ang mga opinyon ay pawang galit sa kanya. Hindi kami bakabasa ng opinyon na nagpapahayag na balanse at nnagbibigay katwiran sa kanya. Bumubula ang kanilang mga bibig sa galit. Hinatulan nila si Duterte bilang isang pinuno na walang pagmamahal sa bansa. Bastos at walang modo. Nakakahiya.

***

MGA PILING SALITA: “People of the Philippines, your president is a murderer.” – Leila de Lima

“Nothing was more controversial but the timing of his 14-day disappearance. The daily infection rate of Covid-19 hit at over 10,000 cases. China was grabbing a part of our territory in the West Philippine Sea. He was angry when we asked about it. Don’t ask because he’s just like a child.The more you ask, the more he hides. Pity our nation. We’re being ruled by a madman.” – PL, netizen

[Duterte’s] madness is wisdom to his fanatics.” – Gerry Vizcarra, netizen

“[Magpakita] ka o hindi, inutil ka pa rin.” – Lynn Conti, netizen

The post Walang bakuna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Walang bakuna Walang bakuna Reviewed by misfitgympal on Abril 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.