Facebook

Paalam, New Market Fire Chief Eddie Tan; kalusugan ni Du30, ‘wag paglaruan

UNA sa lahat, nais kong hingin ang inyong taimtim na dalangin para sa aking pumanaw na pinsan na si Eddie Tan, dating opisyal ng isang fire volunteer group bilang si ‘New Market 3’ Fire chief at barangay kagawad sa Tondo. Si Eddie ay palangiti, mabait, matulungin at palakaibigan sa mga nakakakilala sa kanya. Sumusuong sa pag-apula ng apoy sa mga nasusunugan nang libre, yan si Eddie. Siya ay pumanaw kamakalawa ng umaga sa edad na 80.

Hindi ko lamang siya pinsan kundi matalik na kaibigan at parang kuya na din. Sana ay tulungan ninyo kaming ipanalangin ang maagap na pagtanggap sa kanya ng Panginoon.

***

Hindi na nakakatuwa ang walang tigil na negatibong spekulasyon ng mga kritiko ng gobyerno tungkol sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa gitna ng napakatinding pandemya ang ating bansa pero sa halip na magtulong-tulong at magkaisa para mag-isip ng mga paraan upang epektibong malabanan ang COVID-19 na walang tigil sa pagkitil ng buhay at pagbibigay ng impeksyon sa marami, heto at abala ang ilang galit sa administrasyon sa panggugulo ng magulo na ngang sitwasyon ng bansa.

Hindi po ako DDS o die-hard supporter ni Pres. Duterte. Mabuti nang magkaliwanagan.

Hindi lang ako natutuwa una sa lahat, sa mga taong libang na libang ipanalangin ang pagkakasakit o pagkamatay ng sinumang tao, dahil lang hindi ito ang ibinoto o sinuportahan nila nung nakaraang eleksyon.

Politika lang ‘yan. Di ba pupuwede magbatikusan na lang sa salita at sa isyu-isyu lang? Hindi ‘yung nananalangin ka na mamatay na ang isang tao? Higit lalo pa at kung Pangulo ng bansa ang pinag-uusapan.

Bakit, pag ba nawala si Pres. Duterte eh bubuti ang kalagayan ng bansa natin lalo pa’t nasa gitna tayo ng pandemya? Mawawala na ba ang coronavirus?

Sa totoo lang, marami sa mga anti-Duterte ang magagaling lang magsibatikos at magpalaki ng mga isyu.

Ang tanong: ano ba ang kongkretong naitulong o naitutulong ng mga nag-iingay na taong ito para masawata ang mga problema ng bansa, lalo na ang patuloy na pagtaas ng mga nagkakaroon ng COVID-19?

Mapapakain ba ng pamumulitika ang kumakalam na sikmura ng mga kababayan nating wala nang makain? Makapagbibigay ba ito ng trabaho? Makakatulong ba sa mga nakaratay sa mga ospital? Maipambabayad ba ito ng tubig o kuryente?

Nakakalungkot ding isipin na marami tayong mga kababayan na ke gagaling mag-demand at manisi sa gobyerno pero kung titignan mo, sila mismo ay mga pasaway.

IIkot mo lang ang paningin mo. Sigurado may makikita ka na hindi nakasuot ng facemask o kung meron man ay nakalabas ang ilong o nasa baba ang facemask eh di wala ding silbi.

Marami din diyan gala nang gala na akala mo walang COVID tapos pag nakakuha ng sakit at wala silang mapuntahang ospital dahil puno na, sisisihin ang gobyerno.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.

The post Paalam, New Market Fire Chief Eddie Tan; kalusugan ni Du30, ‘wag paglaruan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Paalam, New Market Fire Chief Eddie Tan; kalusugan ni Du30, ‘wag paglaruan Paalam, New Market Fire Chief Eddie Tan; kalusugan ni Du30, ‘wag paglaruan Reviewed by misfitgympal on Abril 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.