Tell, stranger, to Sparta that you saw us lying here since we followed the sacred laws of the fatherland. — Epitaph of Simonides
NAKAKALUNGKOT isipin na tayong may lahi ng mga bayani—tulad nina Lapu-Lapu, Heneral Gregorio Del Pilar at Dr. Jose Rizal na hindi nagiming harapin ang kamatayan—ay ngayo’y tumitiklop sa harap ng banta ng pananakop sa ating teritoryo ng tinuturing ng ating mahal na pangulo bilang kaibigan.
Hindi ko sinisisi ang punong ehekutibo kung umayaw man sa mga Amerikano dahil maging ang inyong lingkod ay hindi rin pabor sa mga ‘puti’ dahil ang kanilang lahi ay lahi ng mga mandarambong na umagaw lamang sa lupain ng mga katutubo para sakupin sila at alipinin.
Alam naman siguro ng karamihan sa atin na ang teritoryong tinatawag na Estados Unidos (at maging ang Canada at gayun din ang South America) ay hindi pag-aari mga Amerikano o kung sinumang dayuhan mula sa Europa kundi pag-aari ng mga katutubong tribu, tulad mga Souix, Cheyenne, Apache, Arapaho at ang kompederasyon ng Iroquois sa North America.
Subalit sa harap ng banta ng Tsina sa ating bansa sanhi ng kanilang pananakop sa malaking bahagi ng West Philippine Sea (WSP) hindi natin maiiwasang dumepende sa tulong ng US, na sa ngayon ay lumilitaw na karibal ng People’s Repuiblic of China para sa ‘world domination’.
Pero ang katuwiran yata ng nasa Malacañang ay mas mabuti na raw na ituring na kaibigan ang kapitbahay (ang China) kaysa umasa sa kamag-anak na nasa malayo (ang USA).
Kung ako po ang inyong tatanungin, dapat na ipakita natin na maliit man tayo ay mayroon tayong paninin digan (at bayag) para pangalagaan ang atin!
Siguro nama’y alam n’yo ang nangyari noong sinaunang panahon ng salakayin ng Imperyong Persia ang Greece at kahit maliliit (at hindi pa nagkakaisa) ang mga Greek city-stat e ay lumaban ang mga ito sa mga hukbong pinadala nina Haring Darius at Xerxes na ginapi ng mga Griyego sa talampas ng Marathon at karagatang kalapit ng Salamis.
Ang kuwento ng paglaban ng mga Griyego sa mga Persyano ay isang dakilang tagumpay ng maliit laban sa nag-aakalang may kapangyarihang kalaban. Tulad din ito ng laban ni David kontra sa higanteng Goliath na nilahad sa Banal na Aklat, na napagtagumpayan ng alagad ng Diyos.
Marahil ay kailangang humiram ng tapang ang ating pangulo sa ating mga dakilang bayani para manindigan laban sa Tsina o kaya’y baka naman kulang siya ng pananampalataya sa Diyos kaya nagagawang takutin siya ng mga mapang-abuso at mapag-imbot.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
The post Kailangan ba ng hiram na tapang? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: