Good morning po. Reklamo ko ‘tong brgy namin. Kc po simula nung lockdown hindi po ako nakakuha ng ayuda o food pack dito sa Brgy 307, Sta Cruz, Manila. Botante po ako rito. Ilang beses na po ako nagtanong sa mga kagawad. Subukan Daw nila kausapin ang chairman.
Kc po nangupahan ako sa kabilang bgry. Kc sabi nila: kung sino ang botante yun ang bibigyan. Tapos pumunta po ako sa brgy namin, hinanapan pa ako quarantine pass. Pero wala po akong quarantine pass. Kaya wala po akong nkuhang food pack o ayuda po. – Botante ng Brgy 307, Manila
(Editor: Kung nakarehistro ka sa barangay, ibig sabihin ay kasama sa listahan ng mga tatanggap ng ayuda rito. I-report mo sa Manila Barangay Bureau)
Mga di makatatanggap ng ayuda
sa Brgy 309, Manila
Direktor Dumlao hindi nyo po ba tsine-check yung listahan na ipinorward sa inyo ng Barangay 309, District 3, Manila? Doble-doble po ang pangalan at sa isang pamilya ay apat na pangalan po ang nakalagay, ibig pong sabihin nun cla cla lang at ung mga qualified na tulad naming vendors na naapekthan ng ECQ mula pa po nung unang tranch wala po talaga kami natanggap dyan sa barangay namin. Puro kabulastugan po ang ginagawa ng mga yan. Paki-check nyo po ung listahan na ipinost ni Mayor Isko para makita nyo na totoo ang sinasabi ko, sa Barangay 309 zone 30, District 3 po sa Maynila. Makikita nyo ung listahan na cla cla lang ang gumawa. Salamat po kung maaaksiyunan nyo ito. Kawawa naman kaming mga qualfied pero bindi inilista. – Vendor na ‘di nakatatanggap nga yuda sa Brgy 309, Manila
The post Botante ng Brgy 307, Manila ‘di nakatatanggap ng ayuda appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: