Facebook

Webinar tumutok sa Covid-19 at 2022 electios

NAGING matagumpay ang unang “webinar” na inilunsad ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) para sa serye ng mga ganitong diskusyon upang mapangalagaan ang kalagayan at seguridad ng mga kabaro nating mamamahayag sa Pilipinas.

Sa temang “Safeguarding Press Freedom during COVID-19 Pandemic and the 2022 Elections” ang unang webinar na ito ay sinalihan ng mga kasapi ng grupo ng mga mamamahayag sa Metro Manila at matagumpay namang napag-usapan sa pamamagitan ng internet o on-line technolgy ang mga dapat gawin ng media sa pagco-cover ng pandemiya at ang halalan sa susunod na taon.

Makahulugan ang mga tinuran ni Jusice Secretary Menardo Guevarra na siya ring tumatayong chairman ng PTFoMS sa mga kalahok na miyembro ng mga press corps na tinatawag.

“Without fear or favor”, ang habilin ng kalihim. “Walang takot at walang kikilingan,” kung baga ang utos ni Secretary Guevara sa media. Dahil ang media aniya, ay mga tinuturing din na ‘frontliners’ sa pakikipaglaban sa virus na COVID-19 at sa darating na pambansang eleksiyon sa susunod na taon.

Paliwanag pa ng kalihim, ang malaya at indipendiyenteng media na naguulat ng katotohanan ng walang takot at walang kinikilingan ay mabisang sandata para bigyan kaalaman ang lahat at maihanda ang bayan sa tamang desisyon kung sino ang dapat mamuno sa mga mamamayan.

Nang magbigay naman ng pahayag ang ating boss na si Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na siya rin co-chairman ng PTFoMS, bingyan nito ng pansin na sa kasalukuyan, mahalaga ang teknolohiya sa pagsisiwalat ng katotohanan o pag-uulat ng mga pangyayari, para na rin makaiwas ang media sa mga panganib ng pandemiya at ng susunod na halalan.

Umani rin ng papuri sa kalihim ang PTFoMS na kauna-unahang naitatag sa buong mundo, at dahil na rin sa paglulunsad nito ng webinar, na para sa kalihim, ay magiging gabay ng media sa pag-kalap ng ulat at datos sa COVID-19 at sa 2022 Elections.

Pasalamatan ko na rin ang mga nakatuwang natin sa pagdadaos ng mga webinar na ito na iikot natin sa buong bansa. Gaya ng Philippine Information Agency (PIA), ang PCOO, Freedom of Information (FOI) Project Management Program, Dr. Freddie Gomez ng CNN at ang beteranong journ na si Carmelo “Melo” Acuña na siyang mga naging tagapag-salita at si Miss Pia Roces-Morato ng Philippine Star na nag-emcee ng webinar.

At siyempre pa ang mmahigit 60 mga mamamahayag na kabilang sa National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP), CAMANAVA Press Corps., Eastern Police District Press Corps., Manila Police District Press Corps., NCRPO Press Corps., Quezon City Press Corps. at Southern Police District Press Corps.

Ang malayang pamamahayag ay isa nang haligi ng demokrasya sa Pilipinas. At sa buong makakaya ng PTFoMS at mga nagawa na nito upang mapaigi ang sitwasyon ng karapatang pang-tao, partikular na ang proteksiyon sa malayang pamamahayag, makaka-asa kayong patuloy kaming magbabantay at magbibigay proteksiyon sa lahat ng kasapi ng media profession upang pangalagaan ang kanilang kalagayan sa pagko-cover ng pandmic at ng susunod na eleksiyon.

Marami pa ang dapat gagawin, kaya nga naisip at pinamunuan namin ang pagdadaos ng mga webinar na ito, ay uang lalong maging handa at malaman ng lahat ng mga mamamahayag ang kanilang mga karapatan, kaligtasan at kasiguruhan habang ginagampanan ang kanilang papel sa lipunan nating ginagalawan.

Ang buwan ng Abril ay siya naman webinar para sa mga mamamahayag ng ka-Bicolan at susundan pa ng ibang webinar naman para sa iba ang mga rehiyon.

Akin na ring pasasalamatan si Cabinet Secretary Karl Nograles na nagbigay din ng mensahe sa mga sumali sa webinar na kanyang sinabihan na ang tamang impormasyon na ibibigay ng media sa lipunan ay magbibigay daan na maituwid ang maling impormasyon at konsepto na nakakalap ng publiko sa mga taga-hatid ng maling balita gaya ng social media.

Gayun din naman si PIA Director General Ramon Capulong III kasama si Usec. Kris Ablan ng PCOO-FOI na parehong nagbigay ng mensahe ng todo-pagsuporta sa webinar ng PTFoMS.

Sa inyo mga sir, ang taos puso kong pasasalamat. Mabuhay ang malayang amamahayag sa Pilipinas!

The post Webinar tumutok sa Covid-19 at 2022 electios appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Webinar tumutok sa Covid-19 at 2022 electios Webinar tumutok sa Covid-19 at 2022 electios Reviewed by misfitgympal on Abril 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.