ILULUNSAD ng Philippine Sports Commission (PSC) ang isang ‘nationwide exercise campaign’ na tinaguriang Zumbarangay Pilipinas na may orihinal na saliw ng Filipino workout song na “Igalaw Galaw Ating Katawan” ngayon.
“Once we get motivated to move our bodies, exercising can make a big difference; it changes our mood,” wika ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Layon ng naturang sports agency ang maipabatid ang kahalagahan ng physical fitness,lalo ngayong panahon ng pakikibaka sa pandemya. “The Zumbarangay Pilipinas project is a contest of a solo dance performance done either at home or in an open space. Participants have to record their original dance exercise moves, form and style to the beat of “Igalaw Galaw Ating Katawan” which may be downloaded in our website at psc.gov.ph or in our social media pages.”ani pa Ramirez.
Ang saliw ng Workout music ay isang therapeutic na kakayahan upang malunasan ang physical, psychological, emotional, at mental issues tulad ng depresyon at agam-agam.
Ang naturang proyekto ay inorganisa sa ilalim ng programang “Women in Sports” ng kumisyunado sa pamamahala ng tanggapan ni PSC Commissioner Celia Kiram.
“This contest is PSC’s campaign to raise awareness on the value of solo dance fitness workouts. We designed this to provide a recreational activity for women and girls given the alarming increase in the number of cases whose well-being has been negatively affected by the pandemic,” saad ni Kiram.(Danny Simon)
The post Zumbarangay Pilipinas Ilulunsad ngayon ng PSC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: