SUMIKLAB uang engkwentro ng militar at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) saDatu Unsay, Maguindanao.
Kinilala ang nasawi na si Staff Sergeant Ronelo Mayo, habang sugatan si Corporal Harold Jaway, kapwa tauhan ng 92nd Infantry Battalion ng Philippine Army.
Patay naman sa panig ng BIFF sina Kober Abdulkarim, Khadzai Raob at Hairodin Saleleng.
Ayon sa ulat ng 601st Brigade, habang nagpapatrolya ang tropa ng 92nd IB sa Barangay Meta, Datu Unsay ay nakasagupa nito ang grupo ni Kumander Boy Saladeng ng BIFF Bungos faction.
Tumagal ng mahigit isang oras ang palitan ng mga putok sa magkabilang panig gamit ang matataas na uri ng armas.
Lumikas rin ang ilang residente sa takot na maipit sa gulo at tamaan ng mga ligaw na bala.
Umatras ang mga bandido papasok ng SPMS Box nang pasabugan sila ng mga sundalo ng 105 mm Howitzers Cannon.
Binawian ng buhay si SSgt Mayo nang tamaan ng bala mula sa sniper ng BIFF habang tatlo sa mga rebelde ang nasawi.
Nagpapatuloy pa ang combat clearing operation ng Joint Task Force Central erya.
The post 1 sundalo, 3 BIFF patay sa engkwentro sa Datu Unsay, Maguindanao appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: