Facebook

Resort sa Caloocan pinadlak; may-ari at bgy. officials lagot kay Mayor Oca!

IPINASARA ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang isang resort na nadiskubreng nag-o-operate at luma-labag sa health protocols.
Sinabi ng alkalde na bukod sa pagpapasara ay kaniyang kakasuhan ang mga opisyal ng barangay at may-ari ng Gubat sa Ciudad Resort dahil sa pagpapabaya ng operasyon.
Kumalat sa video ang siksikang mga naliligo sa swimming pool ng resort bilang pagdiriwang ng Mother’s Day.
Kasalukuyang nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR) kungsaan ipinagbabawal ang pag-ooperate ng mga resort.
Samantala, umaapela si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño sa mga nagtungo sa nasabing resort na lumapit na sa mga otoridad para sa kaukulang testing.
Sinabi ni Diño na buhay ang pinag-uusapan sa insidenteng ito dahil maaaring makahawa sa kanilang pamilya sakaling may magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga ito. (Beth Samson)

The post Resort sa Caloocan pinadlak; may-ari at bgy. officials lagot kay Mayor Oca! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Resort sa Caloocan pinadlak; may-ari at bgy. officials lagot kay Mayor Oca! Resort sa Caloocan pinadlak; may-ari at bgy. officials lagot kay Mayor Oca! Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.