Facebook

Bebot ‘nagpa-kidnap’ para makasama ang bf

ISANG babae ang ginawa ang lahat lahat para lang makasama ang iniirog.
Si Aprilyn Agoyos ay nagpanggap na kinidnap para lang makasama ang nobyo sa Baguio City.
Sa ulat, pauwi na si Agoyos kasama ang dalawa nitong kaibigan nang biglang dukutin umano ng mga sakay ng isang itim na van.
Agad ini-report ng mga kaibigan nito ang insidente sa mga awtoridad. Natuklasan ng mga imbestigador na plinano ni Agoyos at ng kasintahan nito na ex-convict ang kidnapping para magkasama sila. Tutol ang mga magulang ni Agoyos sa relasyon ng dalawa dahil kalalabas lang ng lalaki ng kulungan dahil sa kasong droga.
“Siguro naisip nila na Romeo and Juliet sila na binabawalan,” ayon kay Baguio Police chief Colonel Allen Co. Seryoso ang pulisya sa pagsasampa ng kaso laban sa magkasintahan para sa pag-aaksaya nila ng resources at pagdudulot ng panik.

The post Bebot ‘nagpa-kidnap’ para makasama ang bf appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bebot ‘nagpa-kidnap’ para makasama ang bf Bebot ‘nagpa-kidnap’ para makasama ang bf Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.