Facebook

8 ASG kabilang 2 sub leaders huli sa Sabah

WALONG miembro ng Abu Sayyaf Group kabilang ang 2 sub leaders ang nadakip ng militar sa pakikipagtulungan ng Eastern Sabah Southern Command sa Sabah.
Kinilala ang mga nadakip na sina Sansibar Bensio, Mabar Binda, kapwa sub-leaders Eastern Sulu-based Abu Sayyaf Group; Muayyar Binda alyas Sansis at alyas Firdaus na pawang miyembro ng ASG sa pamumuno ni Mabar Binda; Lugah Sanchez at Bonijar Samsula na kapwa nasa ilalim ng pamumuno ng napatay na si Juhurim Hussein na nakabase sa Patikul; at Alim Sukarno na nasa ilalim ni Sansibar Bensio.
Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., WestMinCom Commander, 3:00 ng madaling araw nang magsagawa sila ng operation sa Jalan Taman Srj Arjuna, Beaufort, Sabah.
Sinabi ni Vinluan na ang pinaigting na intelligence operation at pagtutulungan ng AFP at ESSCOM ay malaking tulong sa kampanya kontra terorismo. (Mark Obleada)

The post 8 ASG kabilang 2 sub leaders huli sa Sabah appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
8 ASG kabilang 2 sub leaders huli sa Sabah 8 ASG kabilang 2 sub leaders huli sa Sabah Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.