Facebook

Pulis nagbaril sa loob ng istasyon?

DEAD on the spot ang isang pulis nang aksidenteng maputukan ng kanyang baril sa loob ng kanilang himpilan sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang nasawi na si Staff Sergeant Romlan Untong Sampiano, Police Investigator ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Ayon kay Datu Odin Sinsuat Chief of Police, Major Rommel Dela Vega, nakarinig na lamang sila ng isang putok ng baril sa loob ng investigation section ng DOS MPS.
Nang usisahin ito ng mga police on duty, tumambad sa kanila ang duguang biktima na may tama ng bala sa kanang mukha at hawak-hawak pa nito ang kanyang Glock 9mm pistol.
Agad binawian ng buhay si SSgt Sampiano, hindi na ito naisugod ng pagamutan.
Mabait na pulis si Sampiano at palakaibigan kaya hindi naniniwala ang kanyang pamilya na itoy nagbaril sa sarili.
Sa ngayon, dalawang anggulo ang iniimbestigahan ng DOS PNP, una posibleng aksidenteng pumutok ang baril ni Sampiano o kaya nagbaril ito o nagpakamatay.

The post Pulis nagbaril sa loob ng istasyon? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis nagbaril sa loob ng istasyon? Pulis nagbaril sa loob ng istasyon? Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.