Facebook

Coop manager patay sa ambush

NABABAHALA si Cadiz City Mayor Salvador Escalante sa pagpatay sa isang agrarian cooperative manager sa Hacienda Dalapayan, Barangay Caduhaan sa Negros Occidental.
Noong Martes, Mayo 4, 2021, binaril ng walong armadong lalaki si Manalo Porre, ang farm manager ng Dalapayan Agrarian Reform Cooperative (DARCO)
Pumanaw si Porre halos dalawang buwan matapos paslaging ang kanyang kuya na si Larry sa Sitio Aluyan ng parehong barangay.
Inako ng NPA Roselyn Jean Pelle Command ang pagpatay kay Larry, militiaman ng gobyerno.
Ang DARCO, na nangangasiwa sa kilalang Darco café, ay binubuo ng karamihan sa mga dating rebelde at benepisyaryo ng repormang agraryo.
Sinabi ni Escalante na hindi pa tukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga taong nasa likod ng pagpatay kay Manalo, na inilalarawan niya bilang isang “mabuting tao”.

The post Coop manager patay sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Coop manager patay sa ambush Coop manager patay sa ambush Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.