Facebook

112th Malasakit Center sa Bataan, binuksan

KAUGNAY ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na maisaayos ang access sa health care services sa buong kapuluan, pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagbubukas ng ika-112 Malasakit Center sa Mariveles Mental Wellness and General Hospital sa Mariveles, Bataan.

Ang naturang Malasakit Center ang pang-11 na naitayo na sa Central Luzon at ikalawa sa lalawigan ng Bataan General Hospital and Medical Center sa Balanga City.

Tiniyak ni Go na patuloy niyang tutuparin ang kanyang pangako na palalakasin ang healthcare system at ang access sa healthcare services ay mas gagawin niyang kombinyente para sa lahat ng Filipino.

“Ngayon, kung may kailangan o problema kayo, huwag kayong mag-atubiling lumapit sa amin ni Pangulong Duterte dahil trabaho namin ang tulungan kayo. Handa kaming magserbisyo sa inyong lahat sa abot ng aming makakaya,” ayon kay Go.

Si Go ang pangunahing may akda at isponsor ng Republic Act No. 11463 o ng ‘Malasakit Centers Act of 2019’.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop kung saan pinagsama-sama ang mga ahensiyang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, and Philippine Charity Sweepstakes Office para madaling makahingi ng medical assistane ang mga pasyente.

“Walang pinipili ang tulong mula sa Malasakit Center. Basta Pilipino ka, kwalipikado ka. Hindi niyo na kailangan pumila o umikot pa sa iba’t ibang mga opisina para humingi ng tulong pampagamot. Nasa iisang kwarto na sa loob mismo ng ospital ang mga ahensya na handang magserbisyo sa inyo,” ani Go.

“Sa lahat ng mga doctors, nurses at iba pang frontline health workers, maraming salamat sa inyong serbisyo sa panahong ito. Hindi mababayaran ang sakripisyo ninyo. Dahil kayo ang nakakaalam sa giyerang ito, kayo ang inuuna natin armasan ng bakuna,” idinagdag ni Go.

Ikinalungkot ni Go ang balitang marami pa tayong kababayan na alanganin pa na magpabakuna kaya gusto niyang buksan at bakunahan na rin ang mga ‘isang kahig, isang tuka’ na trabahante at indigent sa A4 at A5 priority groups.

“Turukan na natin sila agad para walang masayang na bakuna at ma-achieve natin ‘yung herd immunity ngayong taon at maging masaya ang ating Pasko,” ayon sa senador.

“Alam ko marami ang takot magpabakuna pero no choice tayo ngayon. Marahil kulang lang ‘yung pagpapaintindi natin sa kanila kaya sila takot kahit gusto nila magpaturok. Sabi nga ni Pangulong [Rodrigo] Duterte, dapat walang pilian. Kung ano ‘yung dumating, iturok na kaagad,” pahabol ng mambabatas. (PFT Team)

The post 112th Malasakit Center sa Bataan, binuksan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
112th Malasakit Center sa Bataan, binuksan 112th Malasakit Center sa Bataan, binuksan Reviewed by misfitgympal on Mayo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.