DARATING bukas, araw ng Lunes, Mayo 10 sa Pilipinas ang shipment ng COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer-BioNTech matapos ang higit dalawang buwan na delay nito.
Kinumpirma ito ni Health Sec. Francisco Duque III matapos salubungin ang 2-million doses ng Oxford-AstraZeneca vaccines mula sa COVAX Facility nitong Sabado.
Ayon sa kalihim, manggagaling din sa COVAX Facility ng World Health Organization (WHO) ang shipment ng Pfizer-BioNTech vaccines.
Matatandaang, may nakatakda sanang dumating na 117,000 doses ng naturang bakuna noong Pebrero, pero naudlot ito dahil sa usapin ng “indemnification” o bayad danyos ng pamahalaan sa mga mag-kakaroon ng side effect.
Dahil manggagaling sa COVAX Facility ang shipment ng Pfizer-BioNTech vaccines, ibabahagi raw muna ito sa A1 hanggang A3 priority sectors.
Ang COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech ang unang bakuna na ginawaran ng Food and Drug Administration (FDA).
Batay sa datos ng DOH, may efficacy rate na 95% ang nasabing bakuna laban sa symptomatic cases ng COVID-19.
Sensitibo ang cold storage requirement into na nangangailangan ng imbakan na may temperaturang -80 hanggang -60 degree Celsius.
Ibinibigay naman ang Pfizer-BioNTech vaccines ng dalawang doses sa pagitan ng 21-araw.
Ilan sa mga naitalang adverse effects ng bakuna ay ang pananakit ng injection site, pagkapagod, at pagkahilo.
The post 193K doses ng Pfizer COVID-19 vaccines darating bukas appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: