SA kabila ng ulat ng OCTA Research Group na bumaba na ang reproduction rate ng coronavirus disease ay mataas pa rin ang naitalang kaso ng mga nagpositibo sa virus.
Ang Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng 7,174 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Linggo, Mayo 9.
Samantala ay mayroon namang naitalang 9,197 na gumaling at 204 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.6% (61,294) ang aktibong kaso, 92.8% (1,022,224) na ang gumaling, at 1.68% (18,472) ang namatay.
Nitong Linggo, Mayo 9, ang lahat ng laboratoryo ay operational gayundin lahat ay nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 7,174 bagong kaso; 9,197 gumaling; 204 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: