Facebook

Yorme, tunay na trabahador

Kinokonsidera ng maraming Manilenyo si Yorme Isko Moreno na isang tunay na trabahador dahil sa walang-humpay nitong ginagawang pagtatrabaho para sa kapakanan ng mga residenteng naninirahan sa lungsod ng Maynila.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, napapansin umano nila na walang ginagawa pang iba si Yorme kundi pulungin at kausapin ang kanyang mga staff hinggil sa mga programa nitong pinapatupad para sa mga manilenyo.

Madalas daw na inaabot ng madaling-araw si Boss Isko sa city hall kung kaya’t halos hindi na raw nakakauwi ito sa kanyang pamilya bugso na ng sobrang pagod at pag-iisip.

Ilan sa mga programa niyang tinututukan ay ang monthly distribution ng mga food pack, mabilisan pagbibigay ng ayuda sa mga kinauukulan, kalagayan ng mga senior citizen at ang kasiguraduhan na mabakunahan sa lalong madaling panahon ang mga residente.

Hindi na umano gawain ng isang Alkalde ang ganito karaming aktibidad na pwedeng-pwede naman daw indorso na lamang sa kanyang mga staff at department heads ang dapat gawin.

Eh ayaw naman daw ni Yorme ang ganitong kalakaran. Hindi anila nasisiyahan ito kapag inaatang sa iba ang responsibilidad bagkus ay mas nagagalak siya kapag siya ang personal na gumagalaw at nagpapalakad ng anuman kanyang inumpisahan lalo na sa maselang panahong ito.

Sa kanyang angkin husay, galing, performance at istilo, mukhang mahihirapang lagpasan o tumbasan man lang ang kanyang gina-gawa ng mga kapuwa niya Alkalde partikular na dito sa National Capital Region (NCR).

Ang ganitong klase ng malasakit para sa kapuwa lalo na sa larangan ng serbisyo-publiko ay hindi basta kakayanin kung wala itong kaakibat na sinseridad at motibasyon para sa publiko’t mamamayan.

Ito rin ang rason kung kaya’t kinokonsidera si Yorme na isang trabahador dahil sa walang-humpay niyang pagtatrabaho ng walang ini-indang pagod para sa kapakanan ng marami.

Sa ating mga manilenyo, dapat nating ipag-malaki ang ating lungsod, pagmalasakitan at itanim sa ating mga puso’t diwa ang kina-gisnan nating kultura. Ito ay isang malaking pribilehiyo dahil….

KUNG SAAN ANG MAYNILA, NANDOON ANG BANSA

Tama nga naman dahil kung wala ang Maynila ay wala ring makikilalang Pilipinas na sa simula’t-sapul pa lang ay naging tradisyon na at nakasanayan na ng buong mundo na imbis na Pilipinas ay Maynila ang napapagkamalan nilang ating bansa.

Dapat nating pangalagaan ang ating lungsod dahil ito ang numero unong siyudad na dapat munang makuha ng sinuman bago mapa sa kanya ang buong Pilipinas.

Dito rin muna sa Maynila binibilang ang pera bago pa ito maka-rating sa iba’t ibang lungsod, lalawigan at iba pang mga lugar sa buong Pilipinas, di po ba?

Maski sa anuman banta, threat to national security, coup d etat o anuman take-over, Maynila muna ang dapat kunin para makuha ang buong Pilipinas.

Ito nga naman ang seat of government kung kaya’t ito muna ang dapat kunin dahil balewala rin kung makuha ang Luzon, Visaya o Mindanao.

Pagyamanin sana natin at mahalin ang Maynila dahil sa ito ay isang malaking pribilehiyo partikular na sa mga lehitimong naninirahan dito dahil… Kung saan ang Maynila, nandoon ang bansa.

The post Yorme, tunay na trabahador appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Yorme, tunay na trabahador Yorme, tunay na trabahador Reviewed by misfitgympal on Mayo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.