Facebook

May tama si Amba

BAKUNA ang inihalimbawa ni Chinese Ambassador Huang Xilan upang ipaalala at ipaliwanag sa lahat ang magandang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas.

Ito ay kanyang bntiwan sa virtual na pagpupulong na Vaccine Summit of the Philippines ng International Chamber of Commerce at Philippine Chamber of Commerce and Industry noong nakaraang Biyernes.

Para kay Ambassador Huang may mga bansa na tinitingnan lamang ang pagkabahala ng Pilipinas kung paano makakakuha at makakabili ng bakuna para maprotektahan ang mamamayan nito, at imbes na tumulong ay gumagawa pa ng paraan para sirain ang magandang samahan ng China at Pilipinas.

Ang sabi ni Amba, sa ganitong panahon ng kagipitan makikilala natin kung sino ang tunay nating mga kaibigan na talagang maaasahan. Kanyang ipinagmalaki na 3.5 milyong bakuna na Sinovac na panglaban sa COVID-19 ay agad na nilang naipadala sa Pinas ng walang kabayaran. At milyong iba pa ang nakalaan para mabili at magamit natin.

Alam kasi rin ng China na bukod sa walang kakayahang makagawa ng bakuna ang Pilipinas ay wal rin itong agarang pondo ng pambili, kaya nagpadala agad sila ng bakuna bilang donasyon.

Iba nga ang pakikisama nating nakukuha sa mga Intsik, at ito ay kahit sa kabila ng halos panay-panay na protesta sa pamamagitan ng demokratikong paraan ang ating pinadadala sa kanila dahil sa pamamalagi ng kanilang mga barko sa ating karagatan.

Kaya ang paalala naman ni Amba, hindi maiiwasan magkaroon ng di pagkakaintindihan ang dalawang bansa, at inihambing niya ito sa dalawang magkapitbahay na kung minsan ay talaga namang di nagkakaintindihan.

Ang mahalaga raw ay kung paano nireresolba ng dalawang magkapitbahay ang kanilang di pagkakaunawaan. Kung baga, idinadaan ang di pagkakaintindihan sa malumanay na paguusap at harapan bilang magkaibigan upang makarating sa maganda kasunduan na parehong ikabubuti at may ikabubunga para sa magkabilang panig.

Tama naman si Amba kaya nga si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay ganun na rin ang linyahan. Hindi raw siya maghahangad na makipagdigmaan sa China hinggil sa sigalot sa West Philippine Sea dahil malaki ang kanyang utang na loob sa China na laging nariyan kung kinakailangan. Hindi gaya ng ibang bansa na kapag ating nilapitan ng tulong ay agad nagsasabi ng dapat nating ibigay bago sila tumulong.

Naniniwala ang ating Pangulo na taga na sa panahon ang pagkakaibigan ng China at Pilipinas at hindi na ito masusubukan pang gibain ng anumang pagsubok ng panahon.

The post May tama si Amba appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
May tama si Amba May tama si Amba Reviewed by misfitgympal on Mayo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.