ISANG eleganteng kopa bukod pa sa premyong salapi ang nakalaan sa maghaharing bilyarista sa pagtumbok ng buwenamanong Don Pedro M. Kirong 9-Ball Invitational Billiards Cup sa Mayo 15 sa Casa Adela Bgy. Cumba ,Lungsod ng Lipa.
Ayon kay event organizer Erick Kirong, matapos ang matagumpay na pagsargo ng Sergio V.Kirong 8- Ball Invitational Cup noong nakaraang buwan sa naturan ding venue, tumaas ang entusyastiko sa larangan ng mga manlalro sa lalawigan sa popular na billiards game lalo sa panahong ito na mahigpit pa ang alituntuning ipinapatupad ng IATF sa team sports tulad ng volleyball at basketball gayundin sa contact sports gaya ng mixed martial arts,karate, boxing at iba pa.
Ang dami palang mahuhusay na manlalaro sa billiards sa countryside.Kailangan lang silang madiskubre sa mga palarong tulad nito .Kaya pala world caliber ang mga pambato natin tulad nina Bata Reyes,Djanggo Bustamante,Dennis Oecullo,Amang Parica at iba pang Pinoy pool sharks dahil natural talent ito ng Pilipino- ang game of precision na billiads”, sambit ni Kirong- tanyag na businessman/ sports patron at team owner ng multi- titled Macway basketball team sa commercial cage leagues sa Metro Manila.”Dito muna tayo sa individual sport na billiards na madaling makapad sa health protocol ng kinauukulan,” pahayag ni Kirong.
Ang naunang Sergio Kirong Cup ay inihandog ng batang Kirong sa kanilang Patriarko habang ang Don Pedro Kirong Cup ay palarong parangal sa orihinal na puno ng Kirong clan na nagmula sa pagiging lingkod – bayan bilang Capitan del Barrio,School Principal tungo sa pagiging haciendero at Kintawan mula Katimugan sa Kongreso sa timon ni Speaker Nicanor Yñiguez.
Ang Don Pedro Kirong Cup ay pagtutunggalian ng mga mahuhusay na bilyaristang lokal na pambato at mga dayo mula sa mga karatig- bayan ng lalawigan ng Batangas hanggang sa Kabikulan.
“Nagkampeon noong nakaraang Sergio V. Kirong Cup ang ating local best bet na si Nomer Panganiban kaya no doubt ,lahat ay gustong talunin ang ating pambato.Umatikabong sarguhan ito ngayong Mayo,” ani pa Kirong.(Danny Simon)
The post 1ST DON PEDRO M.KIRONG 9-BALL KOPA SASARGO SA LIPA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: