
NATIMBOG ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang bigtime pushers nang kumagat sa buy-bust operation, Miyerkules ng madaling araw sa Quezon City.
Kinilala ni QCPD Director, Brigadier General Antonio Yarra, ang mga naaresto na sina Lakimuddin Aran II, 41 anyos, electrician, ng Zamba St., Barangay Maharlika Village, Q.C.; at Vincent Valenzuela, 30, Grab driver, ng Bonfacio St., Bgy. Quisao, Pililla Rizal.
Sa ulat, 3:05 ng madaling araw nang ikasa ang drug operation ng Masambong Police Station 2 (PS2) sa gilid ng Sogo Hotel sa MRT North Avenue Station, Bgy. Philam, QC.
Nakuha mula sa mga suspek ang pitong sachet ng shabu na naglalaman ng 100 grams na nagkakahalaga ng P680,000, at buy-bust money.
Samantala, 1:15 ng madaling araw nang madakip naman sa buy-bust operation ng PS2 si Jennalyn Quintos, 39, ng No. 23 Fema Rd. Brgy. Baesa, QC. Ikinasa ang operasyon sa 351-C Roosevelt Ave., Bgy. Katipunan.
Nakumpiska mula kay Quinto ang 3 sachet ng shabu na nasa P20,400 gayundin ang buy-bust money. (Boy Celario)
The post 2 bigtime pushers, 1 pa timbog sa buy bust appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: