
NADAKIP ng Joint Task Force Central ang dalawang notoryus na lider ng armed lawless group sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang mga nadakip na sina Montukan Bungay at kapatid nitong si Walo Bungay, mga namuno sa ‘Bungay Armed Lawless Group’ at residente ng Barangay Bualan, Pikit, Cotabato.
Ayon kay 602nd Brigade Commander, Brigadier General Roberto Capulong, pinasok ng Joint Task Force Central ang kuta ng magkapatid sa Bgy. Bualan ngunit nanlaban ang mga armadong tauhan ng mga ito.
Tumagal ng anim na oras ang palitan ng putok, dahilan nang pagsilikas ng mga sibilyan.
Umatras ang mga armadong tagasuporta ng magkapatid at silay nahuli ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Philippine Army. Nakuha sa mga ito 2 M16 Armalite rifles, isang kalibre.45 pistola, mga bala at mga personal na kagamitan.
Ang magkapatid ay may warrant of arrest sa kasong extortion at multiple murder. May direktang ugnayan ang mga ito sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Nakapiit ngayon ang magkapatid sa costudial facility ng Pikit PNP.
The post 2 most wanted persons timbog sa NCot appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: