Facebook

3 bata umiyak at natakot sa mga tauhan ni Lt. Col. Christopher dela Peña ng PNP – Montalban, Rizal

IPINARATING sa akin ng isang dating kapwa propesor dahil naniniwala siyang hindi papalampasin ni General Guillermo Lorenzo Eleazar ang abusadong mga pulis ng Montalaban, Rizal.

Naniniwala ang nagparating ng reklamo na kikilos si Eleazar dahil maging siya ay kumbisidong galit ang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) sa mga abusado, tiwali at korap na mga opisyal at kagawad ng pulisya.

Noong Mayo 6, pinasok ng apat , o limang pulis, na armado ng mga matatataas na kalibre ng mga baril ang bahay sa Block 20 – Lot 38 sa Kasiglahan Village, San Jose.

Poakaragat na ‘yan!

Nakasibilyan at nakasuot ng face mask ang mga pulis nang pumasok sa bahay ng pamilya Añonuevo.

Muntik nang pasukin pati kuwarto ng pamilya.

Mayroon daw operasyon ang mga pulis ng Montalban laban sa isang pusher.

Ngunit, nang hingan ng arrest arrant ay walang naipakita ang mga pulis sa nanay ng nabiktimang pamilya hanggang umalis ang mga pulis dahil hindi nila nakita ang hinahanting na target.

Pokaragat na ‘yan!

Ayon daw sa pamilya, hindi maganda ang epekto ng biglang pagpasok ng mga armadong pulis dahil natakot at nag-iiyak ang tatlong bata na dalawang limang taong – gulang at isang 13 – anyos.

Natrauma raw ang mga bata.

Nabatid ng pamilya Añoneuvo mula sa PNP ng Montalban na mali ang bahay na pinuntahan dahil sa Lot 28 pala ang target nila.

Ang hepe ng PNP – Montalban ay si Lieutenant Colonel Christopher Dela Peña.

Nalaman kaya ni hepe Dela Peña ang ginawa ng abusadong mga pulis niya?

Alam ba ng naturang hepe ang pakiaramdam ng mga magulang umiyak, natakot at natrauma ang mga anak dahil sa estilong kriminal na operasyon ng mga pulis?

Ayon sa kapwa ko propesor, mayroon na ring nangyari noong isang taon na kahawig na insidente kung saan hindi na naghain ng reklamo ang pamilya ng biktima dahil takot na balikan at gantihan sila ng mga pulis.

Pokaragat na ‘yan!

Kung naulit ang palpak na operasyon ng mga pulis laban sa tulak ng droga, lohikal na sabihing hindi naparusahan ang mga pulis na sangkot sa operasyon noong nakaraang taon.

Kapag, pinalampas ang palpak na operasyon ng mga pulis at walang pinarusahan, tiyak na magiging abusado ang mga pulis.

Nasiyahan at naging bida sa mga abusadong pulis ang kanilang hepe, ngunit, sa kabilang banda naman ay nadagdagan ang kasalanan ng PNP sa taumbayan.

Napasama na naman ang mga pulis dahil sa ginawang mali ng apat, o lima, sa kanila.

Ngunit, mukhang hindi na naman umaksyon si Dela Peña laban sa kanyang mga tauhan.

Pokaragat na ‘yan!

Kumilos ka naman dela Peña!

Ayaw daw ibigay ng kahit sinong pulis sa himpilan ng PNP – Montalban ang mga pangalan ng mga pulis na iligal na pumasok sa bahay ng pamilya Añovuevo.

Sana, kagyat na aksyonan ito ni General Eleazar.

Pakilusin sana ni General Eleazar ang bagong hepe ng PNP sa Rehiyong Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na si Brig. Gen. Eliseo Cruz laban kay Dela Peña.

The post 3 bata umiyak at natakot sa mga tauhan ni Lt. Col. Christopher dela Peña ng PNP – Montalban, Rizal appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 bata umiyak at natakot sa mga tauhan ni Lt. Col. Christopher dela Peña ng PNP – Montalban, Rizal 3 bata umiyak at natakot sa mga tauhan ni Lt. Col. Christopher dela Peña ng PNP – Montalban, Rizal Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.