Facebook

Bong Go, muling iginiit ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience

MULING iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na kailangan na talaga ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) upang maayos na makaresponde ang pamahalaan sa mga biktima ng kalamidad at sunog sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nagsagawa kamakailan ang grupo ni Go ng pamamahagi ng ayuda sa mga residente ng Bacuag, Surigao del Norte na biktima ng Typhoon Auring.

Umaabot sa 900 residente ang nabiyayaan ng iba’t ibang tulong gaya ng pagkain, food packs, vitamins, masks at face shields sa distribution activity na inorganisa na nasusunod ang safety protocol para maiwasan ang COVID-19.

Sa kanyang video message, sinabi ni Go na kailangan nang maipasa ang kanyang panukalang Senate Bill No. 205 o ang Department of Disaster Resilience Act of 2019.

Ito aniya ang titiyak sa safe, adaptive, disaster-resilient communities, sa pamamagitan ng paglikha ng responsive DDR na may malinaw na command pagdating sa usapin ng kalamidad.

Magpopokus ang departamento sa disaster risk reduction, disaster preparedness and response at recovery and building sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.

“Nai-file ko ang panukalang batas na magtatatag ng Department of Disaster Resilience. Sa Department of Disaster Resilience, may cabinet secretary na tututok at magtitimon down to our local officials, hanggang sa municipal level,” ani Go.

“Bago pa man dumating ang kalamidad, maghahanda na sila. Hindi na po malilito ang ating mga kababayan kung kanino at saan sila hihingi ng tulong at impormasyon,” idinagdag niya.

Nakikipag-ugnayan ang opisina ni Go sa iba’t ibang government agencies para mapabilis ang recovery efforts sa mga biktima ng sakuna, gaya ng sunog.

Nariyan ang Department of Social Welfare and Development hna namimigay ng financial assistance bilang bahagi ng rebuilding efforts ng gobyerno sa mg lalawigan.

“Para sa amin, walang tulog ang serbisyo, lalo na sa oras ng inyong pangangailangan. Kahit anumang problema ang inyong kinakaharap, handa akong tumulong at magserbisyo sa inyo sa abot ng aking makakaya,” sabi ni Go. (PFT Team)

The post Bong Go, muling iginiit ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go, muling iginiit ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience Bong Go, muling iginiit ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.