Sa mga kinauukulan: Higpitan nyo naman po ang paghuli sa mga hindi maayos ang facemask sa mga public utility vehicle, specially mga palengke at mga secondary road at parks. Kailangan lang mag-ikot ang manghuhuli sa mga kabaranggayan nasasakupan nila para madisiplina ang mga mamamayan. – Concerned citizen
Listahan ng PSA ang gamitin
sa pamimigay ng ayuda
Tuwing me pa ayuda ang gobyerno hindi nawawala ang problema. Mabuti pa kasi pag me ayuda PSA ang mamahala, sila ang nakakaalam kasi ng statistics. Nasa kanila talaga ang tamang talaan o listahan at address ng mga tao. Kasi pag ibang ahensya ang humawak para sa ayuda, nagkakaproblema oa o me kutsabahan, kurap. – Concerned citizen
Tulak ng shabu sa Bgy 81 at 82
sa Tondo, Manila
Good am po sa lahat. Nais ko po iparating sa pulisya ang ginagawa po ng isang tao sa aming Brgy. 81 at Brgy. 82 Zone7 under Chairman Matilla at Chairman Espinosa. Sobra na po ang bentahan ng “SHABU” dito. Malakas daw kasi kay Mayor Isko at kay Konsehal Ian Nieva ang tulak dito. Sana po bigyan ito ng action ni Mayor Isko. Ang name ng kilalang tulak dito ay alyas “TUKO”. Wala raw siyang takot kahit kanino po. Sana bigyan ng action ni Mayor Isko ito. God First. – Concerned citizen
The post Pulisya dapat mag-ikot, manghuli ng ‘di nagsusuot ng facemask appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: