Facebook

Go Go Go na ang jueteng sa Pangasinan

TOTOO ba na largado na ang sugal na jueteng ngayon sa lalawigan ng Pangasinan?

Kapag binansagang largado,ibig sabihin kahit pa sa kasuluk-sulukan ng nasabing probinsiya ay may mga cobrador na nagpapataya.

Kahit pa nga panahon ng pandemic at hilong talilong ang tropa ni Panguling Duterte sa paghahagilap ng pondo ng pamahalaan para sa ayudang pangkabuhayan ng mga tao,eto ang ilang ulupong na mga gago na nagpasimula na naman ng opisyo ng sugal sa lalawigan ni Gov.Amado Espino II.

Paano na ang layon ng pamahalaan na pagaanin ang pasanin ng mga tao ngayong pandemya kung saan marami ang nawalan ng pagkakakitaan. Lalo lamang makulugmok ang mga ito sa kahirapan dahil ang sugal na jueteng ay may daya at pabor sa bangka o kapitalista. Kakarampot na nga lamang ang pera sa lukbutan ng ating mga kababayan ay gusto pang agawin ng jueteng operator ng Pangasinan.

Bakit naman kaya pumayag sa kagaguhan at katarantaduhang ito ang marangal na governador ng lalawigan?

Alam naman nating di TANGA si Gov.Espino para di niya malaman ang mga huling kaganapang sa kanyang lalawigan.

Isang malaking kaululan at kasinungalingan kapag sinabi ni Governor na wala siyang alam patungkol sa jueteng operation sa kanyang teritoryo!

Bobo kay gov kapag sinabi mong ‘bulag’ ka tungkol sa tengwe.

Tanga ka na,gago ka pa sasabihin ng tao!

Ngayon ngang binakbakan na natin ang isyu tungkol sa pagbabalik ng jueteng sa Pangasinan,antayin na lamang natin ang magiging aksyon dito ni Gov,Espino!

At yung provincial director ng PNP dyan sa Pangasinan ay humanda nang magpaliwanag kay chief PNP Gen.Guillermo Eleazar.

Ipapatigil nyo ba ang jueteng dyan sa Pangasinan o hahayaan mo na lang provincial director na sibakin ka sa puwesto unceremoniously?

Nakamasid din ang tanggapan ni DILG Sec.Ed Ano dito kay Gov.Jueteng este Gov Espino pala!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Go Go Go na ang jueteng sa Pangasinan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Go Go Go na ang jueteng sa Pangasinan Go Go Go na ang jueteng sa Pangasinan Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.