Facebook

3K Doses ng Sputnik vaccine, tinanggap ni Isko at Honey

TINANGGAP ni Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna nitong Lunes, May 3 ang may 3,000 doses ng Sputnik (Gamaleya), isang Russian brand ng anti-COVID-19 vaccine, kasabay ng panawagan sa lahat ng kabilang sa A1 category na binubuo ng mga doktor, nurses at iba pang health frontliners na hindi pa nababakunahan na magpabakuna na.

Sinabi ni Moreno na agad nilang sisimulan ang pagbabakuna ng Sputnik vaccine kapag may go signal na mula sa Department of Health (DOH).

Pinasalamatan din ng alkalde sina President Rodrigo Duterte, DOH Sec. Francisco Duque III at National Task Force Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez, Jr. sa pagbibigay ng bakuna sa lungsod.

Kabilang din sa receiving party sina Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan at Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla, na agad na ipinag-utos ang paglipat ng nasabing doses sa itinakdang storage facility na nasa Sta Ana Hospital din.

Sinabi ni Moreno na base sa itinakdang priority list ng national government ay babalik ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa parehong steps na kanilang ginawa nang unang magsagawa ng pagbabakuna kung saan inuna ang mga nasa A1 category bago pumunta sa susunod na kategorya.

Ayon kay Moreno, may mga nasa A1 category na nananatiling hindi pa nababakunahan dahil hinihintay pa nila ang gusto nilang brand na bakuna na ituturok sa kanila at yung iba naman ay tinamaan ng COVID.

Nabatid sa alkalde na ang Sputnik doses ay may 91.6 percent efficicacy at sa panahon ng deployment at kailangang gamitin agad ito dahil nangangailangan ito special handling requirements kapag tinanggal na sa storage facility, ‘kaya kailangan confirmed na darating ka.’

Binanggit pa ni Moreno na ang bagong vaccines ay maaaring gamitin sa edad 18 o higit pa.

Sa kasalukuyan ayon kay Moreno ay may kabuuang 120,000 indibidwal na ang nabakunahan sa Maynila kung saan 54,000 sa mga ito ay fully vaccinated na o nakatanggap na ng dalawang doses ng bakuna.

“This is another opportunity for our doctors, nurses and other health personnel involved in handling COVID to get extra protection kasi ipa-prioritize sila ulit,” pahayag ni Moreno.

Nabatid na ang deployment ng Sputnik doses ay gagawin sa Sta. Ana Hospital at sa Ospital ng Maynila sa ilalim ni Director Karl Oliver Laqui. (ANDI GARCIA)

The post 3K Doses ng Sputnik vaccine, tinanggap ni Isko at Honey appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3K Doses ng Sputnik vaccine, tinanggap ni Isko at Honey 3K Doses ng Sputnik vaccine, tinanggap ni Isko at Honey Reviewed by misfitgympal on Mayo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.