Facebook

LGU’s at private orgs puwedeng kasuhan ng PCUP sa demolisyon!

SA mga komunidad na dumaranas ng pananakot at mararahas na demolisyon sa mga lugar na kinatatayuan ng mga bahay ay may kapangyarihan ang PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) na sampahan ng mga kaso ang mga nagpapagiba ng mga bahay tulad ng mga LOCAL GOVERNMENT UNITS (LGU’s) at mga pribadong personalidad o kompanya na hinde tumatalima sa mga tuntuning ipinaiiral ng batas.

Ngayong panahon ng pandemya na marami pa ring kaganapang demolisyon ay higit na pinaigting ng PCUP ang pagbabantay sa mga demolisyon at ebiksiyon ngayong taong 2021.

Sa katatapos lamang na MANAGEMENT COMMITTEE (ManCom) Meeting ng Komisyon nitong ika-22 ng Abril, binigyang diin ni PCUP CHAIRPERSON/CEO UNDERSECRETARY ALVIN FELICIANO na may kapangyarihan ang PCUP na magsampa ng kaso laban sa mga LGUs at pribadong kompanya na hindi sumusunod sa URBAN DEVELOPMENT AND HOUSING ACT (UDHA) ng 1992.

“Maraming mga LGUs at private individuals ang hindi nagko-comply at sumusunod sa tamang proseso at makataong demolisyon lalo na sa panahon ngayon ng krisis bunsod ng COVID-19 kaya naman ay handa ang Komisyon na magsampa ng kaso laban sa mga ito sa lalong madaling panahon”, pahayag ni USEC FELICIANO.

Ipinunto nito na kailangan ng mga kababayan natin ngayon ang tirahan at matutuluyan kaya hinde dapat na dumanas ng basta na lamang pagpapalayas at paggigibain ang kanilang mga kabahayan

Batay sa Section 28 ng RA 7279 o ang UDHA ay marapat lamang na magkaroon muna ng kasunduan sa pagitan ng mga pamilyang maaapektuhan at nagpapaalis para mabigyan ng financial assistance ang mga ito. Kailangan din na magkaroon ng PRE-DEMOLITION CONFERENCE (PDC) bago pa man ang pagbibigay ng police assistance para sa maayos at mapayapang daloy ng demolisyon bago pa man ito maganap.

Nakalakip din sa nasabing batas ang mga legal na proseso na kailangang sundin gaya ng paghahanap ng temporary resettlement site para sa mga maaapektuhan, paglalahad ng mga dokumento tungkol sa demolisyon, census o pagtatala, paglalabas ng babala o court order sa napipintong demolisyon, gayundin ang pagsasagawa ng konsultasyon kasama ang LGU at iba pang kaugnay na ahensya ng pamahalaan upang magkaroon ng linaw ang magiging kalagayan ng mga pamilyang mapapaalis sa kanilang tirahan at mabigyan ang mga ito ng angkop na benepisyo.

Kaugnay nito, matatandaan na isa ang kaso ng PANGARAP VILLAGE sa CALOOCSN CITY ang inaaksyunan ngayon ng PCUP dahil sa pag-aako ng isang pribadong kompanya rito na mahigit dekada nang may nakatira. Sa pamamagitan ng isang liham ay inilapit na ng Komisyon ang isyung ito sa tanggapan ni SOLICITOR GENERAL JOSE CALIDA upang mabigyan ng angkop na solusyon at mga rekomendasyon hinggil sa posibleng “CANCELLATION OF TITLE AND REVERSION” laban sa umaakong developer.

Sa ngayon ay patuloy na hinihintay ng PCUP ang magiging kasagutan ng OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL (OSG) kaugnay sa ipinadalang liham upang umusad na ang kaso.

Matibay ang hangarin ng PCUP na siguruhing walang sinuman sa sektor ng maralita ang natatapakan ang karapatan. Tinitiyak din ng Komisyon na ang lahat ng organisasyon, pribado man o sangay ng pamahalaan ay kailangang managot sa anumang aktibidad na may kinalaman sa demolisyon o ebiksyon na hindi dumaan sa legal na proseso.

Kaya naman mga ka-ARYA.., kung dumadanas at nahaharap kayo ngayon sa problemang demolisyon ay maaari po kayong magpaasiste sa tanggapan ng PCUP o kahit mismo ang ARYA ay puwede po kayong maasistehan para mailapit kayo sa tanggapan ni USEC. FELICIANO upang maipagkaloob po sa inyo ang inyong KARAPATANG PANTAO sa lugar na.kinatitirikan ng inyong mga bahay!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post LGU’s at private orgs puwedeng kasuhan ng PCUP sa demolisyon! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LGU’s at private orgs puwedeng kasuhan ng PCUP sa demolisyon! LGU’s at private orgs puwedeng kasuhan ng PCUP sa demolisyon! Reviewed by misfitgympal on Mayo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.