MAY mga reklamo tayong natàtanggap mula sa ma dismayadong residente ng probinsiya ng Batangas patungkol sa miserableng kondisyon n kanilang mga lansangan sa mga bayan ng Tingloy, Mabini, Bauan, San Pascual at Lobo na nasasakupan umano ni District Engineer Sonia Paglicauan ng Batanas DPWH District 2 Engineering Office.
Mistulang lubluban umano ng kalabaw sa tag-ulan at maalikabok ng disyerto sa tag-araw ang kanilang national highway sa nasabing lugar.
Ito rin umano ang sanhi ng mga aksidenteng nagaganap sa mga bayang ito patikular na sa mga motorcycle riders na nayayaot dito.
Malaking perwisyo ang dulot ng mga sira at malalalim na lubak na ito sa ma motorista na tila di alintana at binibigyang pansin ni District Engineer Sonia Paglicauan.
Tinatawagan din natin ng pansin ang tamad at malatubang maintenace engineer na si Ronald Frago na responsable sa mga naghambalang at nakahapay na lamp posts sa Lagnas Brigde ng San Pascual,Batangas.
Damay sa mga kapabayaang ito ng mga kapabayaang ito ng mga malatubang opisyal n DPWH ang imahe ng mga lokal na opisyal ng Batangas at maging ang mismong masipag at mahusay na gobernador ng lalawigan na si Dodo Mandanas.
Kung ako kay Gov.Dado,agad kong hihilingin kay DPWH Sec.Mark Villar ang pasibak sa mga inutil na opisyal DPWH Batangas dahil na rin sa very poor performance ng mga ito sa nasabing distrito.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post DPWH Batangas malatuba nga ba at pabaya? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: