Facebook

‘Food Summit’ ng DA, iboboykot ng magsasaka

MALAMANG na langawin ang isasagawang Food Security Summit ng Department of Agriculture (DA) sa Mayo 18 at 19 dahil ngayon pa lang nagpapahayag na ang mga grupo ng mga magsasaka na wala silang balak dumalo rito.
Ayon kay Nicanor Briones, National Chairman ng Pork Producers Federation of the Philippines, nagkasundo sila ng iba pang samahan na huwag nang dumalo sa naturang summit.
Tahasang sinabi ni Briones na bumili na lamang ang DA ng mga makakausap dahil ang mga malalaking samahan ng mga magsasaka tatablahin ang nasabing summit. Tiniyak nitong na ang may ‘personal interest’ lamang sa DA ang mga dadalo sa summit.
Kabilang sa mga hindi makikiisa sa nakatakdang food summit ang mga maggugulay, mangingisda at maging ang mga magbibigas.
Sinabi ni Briones, na patuloy umanong nagtetengang kawali si Agriculture Sec. William Dar sa mga hinaing ng mga magsasaka kung kaya’t wala silang ganang dumalo sa isasagawang summit.
Naniniwala si Briones na balewala lang ang gagawin nilang pakikipag-usap sa DA dahil hindi naman pinakikinggan ang kanilang mga suhestiyon. At kung mayroon man silang magpagkasunduan sa kanilang mga ginagawang pag-uusap bigla rin itong nababago.
“Wala siyang kuwentang kausap,” mariing ipinahayag ni Briones.
Ayon pa kay Briones, walang pagmamahal, manhid at malasakit si Dar sa mga magsasaka.
Ayon pa kay Briones na sa halip na dumalo sa Food Security Summit, magsasagawa na lang sila ng hiwalay na Food Congress kabilang ang mga nag-aalaga ng baboy, baka, manok, palay, sibuyas, gulay at iba pa para bumalangkas ng mga hakbang at solusyon sa usapin ng produksyon, suplay at presyo.
At ang mga rekomendasyong mabubuo kanila itong isusumite sa Senado, Kamara at Malakanyang.

The post ‘Food Summit’ ng DA, iboboykot ng magsasaka appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Food Summit’ ng DA, iboboykot ng magsasaka ‘Food Summit’ ng DA, iboboykot ng magsasaka Reviewed by misfitgympal on Mayo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.