Facebook

5 months nalang!

MAYO na! Limang buwan nalang filing na ng certificate of candidacy (CoC) para sa mga kakasa sa Eleksyon 2022.

Sa kalagitnaan ng Oktubre ang filing ng CoC. Pero may extension ito para sa mga gusto umatras at magpapalit tulad ng ginawa noon nina Martin Dino at Rody Duterte. Si Dino ang maagang nag-file para sa pagka-pangulo, pero at the end sa huling mga minuto ay umatras para palitan ni Duterte. Diskarte ng magulang na politiko ito para hindi agad mabanatan ng mga kalaban. Hehehe…

Obkors ang pinakakaaabangan natin dito ay ang mga tatakbo sa pagka-pangulo, ang taong magsasalba sa lugmok na lugmok nang ekonomiya ng Pilipinas.

Sa sunod na buwan, Hunyo, siguradong maglalabasan na ng lineup ang mga partido kung sino ang kanilang pambato sa pagka-pangulo at kung sinu-sino ang kanilang mga senador.

So far, ang makikita natin ay mga pumuporma palang tulad nina Vice President Leni Robredo, Senador Bong Go, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Senador Grace Poe, Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Ping Lacson, Sen. Tito Sotto, Sen. Manny Pacquiao, ex-Sen. Bongbong Marcos at ex-Sen. Antonio Trillanes.

Pero ayon sa bagong tatag na organisasyon na 1Sambayan na pinamumunuan nina retired Supreme Court Justices Antonio Carpio at ex-Ombudsman Conchita Carpio-Morales, isa lang ang dapat tumakbo na tatayong opisyon para manalo laban sa manok ng administrasyong Duterte.

Ang pinagpipilian ng 1Sambayan ay sina Robredo, Poe, Moreno, Nancy Binay at Trillanes.

Kapag maraming tumakbo sa pagkapangulo, malamang na manalo parin ang iendorso ni Duterte. Pero kapag one- on-one ang labanan, maaring manalo ng landslide ang oposisyon.

Ginawang basehan ng1Sambayan ang pagtakbo ng limang presidentiables noong 2016 kungsaan nanalo si Duterte ng higit 16 milyong boto mula sa higit 50 milyong bumuto. Nasa 40 milyon ang kontra sa kanya.

Kabilang sa mga tumakbo noon sina Mar Roxas, Grace Poe, Jejomar Binay, Miriam Santiago.

Ang boto nina Roxas at Poe kung pag-isahin ay panalo na laban kay Duterte.

Naniniwala ang 1Sambayan na ang supporters ni Duterte ay hindi naman nadagdagan bagkus ay nabawasan pa ng malaki dahil sa pagkadismaya ng marami rito sa palpak na pag-handle ng gobyernong Duterte sa Covid-19 at sa lumalang isyu sa West Philippine Sea kungsaan namuti na ng Chinese military ships at Chinese fishing boats ang karagatan sa Pag-asa island at Scarborough Shoal na nasa loob ng mapa ng Pilipinas.

Ang naging solid supporters ni Duterte noong 2016 ay mula sa Marcos, ex-Pres. Gloria Arroyo, Cayetano, Villar, mga makakaliwa at Mindanao.

Ang mga makakaliwa ay tiyak wala na ngayon sa poder ng Duterte, mukhang kumalas narin ang Marcos at mahahati ang Mindanao ‘pag kumasa si Pacquiao.

Ayon sa aking realiable source, nag-uusap na ang kampo nina Robredo at Poe. Malalaman ang final decision sa Hunyo.

Inanunsyo naman ni Pangulong Duterte na ang pinagpipilian niyang papalit sa kanyang trono ay alin kina Bong Go, Sara, Marcos at Isko Moreno.

Si Isko ay maraming beses nang nagsabi na hindi pa siya tatakbo sa national. Pero mukhang kakasa. Hehehe…

Well, abangan natin… Napaka-exciting ng buwan ng Hunyo, huwag lang mag-lockdown uli. Hehehe…

The post 5 months nalang! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5 months nalang! 5 months nalang! Reviewed by misfitgympal on Mayo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.