BINATI ng Philippine Navy si reservist Jerwin Ancajas sa kanyang huling tagumpay sa boxing.
Nitong Sabado, Ancajas may ranko na senior chief petty officer, ay ginawaran ng “Gawad sa Kaunlaran” plum, pangalawang pinakamataas na gantimpala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ibinibigay sa civilians at government officials.
Personal na tinanggap ni Ancajas ang award sa Navy Headquarters mula kay Rear Admiral Dorvin Legaspi, ang kasalukuyang Naval Reserved Command commander.
“I see in this fine navy reservist his dedication and commitment in boxing as he brought honor and pride to the country, the AFP, the Philippine Navy, and the Naval Reserve Command in particular for being a member of the navy reserve force,” Sambit ni Legaspi sa kanyang talumpati.
Si Ancajas ay bumalik sa Pilipinas matapos pataubin si Jonathan Rodriguez upang mapanateli ang IBF junior bantamweight title sa Mohegan Sun Arena sa Connecticut, USA nitong April 11.
“Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa binigay na pagkakataon na makapagsilbi sa ating bayan at sa Philippine Navy. Sobrang masaya po ako na mabigyan ng karangalan sa (I thank the Lord for this opportunity to serve the country and the Philippine Navy. I am so happy that I gave honor to the) Philippine Navy,” Wika ni Ancajas.
The post Ancajas tumanggap ng military honors appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: