Facebook

Ang P16.4-B na inilabas ng NTF-ELCAC, at ang P17-B ayuda sa NCR Plus

GUEST namin nitong Biyernes ng umaga sa National Press Club (NPC) ‘Report to the Nation’ weekly forum via Zoom ang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Usec Lorraine Baduy, DSWD Spokesperson Irene Dumlao, Quezon City Mayor Joy Belmonte at San Fernando City, Pampanga Mayor Edwin Santiago.

Ipinaliwanag ni Usec Baduy ang isyu kung bakit mina-dali nila ang paglabas ng pondo ng NTF-ELCAC nitong Marso at Abril ay para masimulan na ang developments sa mga pinakamahihirap na lugar sa 14 rehiyon ng bansa.

Ito’y matapos kuwestiyunin ni Senador Frank Drilon ang inilabas na higit P3 billion noong Marso at higit P10 billion last April ng taon.

Say ni Baduy, ongoing na ang pagpapagawa ng mga kalsada, eskuwelahan, electrification, water system at pag-lulunsad ng livelihood programs sa mga liblib na lugar na dating kontrolado ng mga rebeldeng komunistang NPA.

Sa mga nabanggit na mga proyekto at programa, pipili rito ang LGU kung anong project ang gusto nila para sa development ng kanilang lugar.

Ang magpapatupad o gagawa ng proyekto/programa ay ang ahensiya na may mandato nito. Halimbawa livelihood, ito’y pangangasiwaan ng TESDA. Meaning ang TESDA ang hahawak ng pondo. Pag kalsada, DPWH ang gagawa, at kapag school ay DepEd.

Sa 14 rehiyon, nangunguna sa may pinakamalaking pondo ang Region 11 na may P4.3 billion, sumunod ang Region 13 (P3.82-B), Region 10 (P2.38-B), Region 6 (P1.48-B), Region 12 (P1.24-B), Region 5 (P980-M), Region 9 (P622-M), Region 4A (P600M), Region 4B (P500-M), CAR (P160-M), Regions 2 at 8 tig-P100-M, Region 1 (P40-M), at region 3 P20-M).

Makikita sa website ntfelcac.org ang mga lugar na binubuhusan ngayon ng pondo ng task force. See it…

***

Ipinaliwanag naman ni DSWD Spokesperson Dumlao na hanggang Mayo 15 (Sabado) nalang ang deadline sa pamamahagi ng ayuda sa NCR Plus na P1,000 sa bawat isa ng 4 miembro ng pamilya, bale P4K lahat. Ang lagpas sa 4 miembro ay P4K parin.

Ayon kay Spox Dumlao, sa P17 bilyong pondo para sa 17 million individuals ay lagpas 80 percent na ang nakatangap. Ina-asahang bago ang deadline ay maipamahagi na sa beneficiaries ang pondo kundi ay makakasuhan ang LGU ng kapabayaan.

Ayon kay Quezon City Mayor Belmonte, tapos na silang mamahagi ng ayuda noon pang Abril. Naging mabilis ang kanilang distribution matapos maayos ang kanilang listahan na ginamit sa SAP 1 at SAP 2. Very good!

Ibinalita rin ni Belmonte na malaki na ang ibinaba ng Covid cases sa kanilang lungsod kaya lumuwag na ang kanilang mga ospital at puede na silang bumaba ng quarantine sa GCQ sa Mayo 15. Tapos narin sila sa pagbakuna sa healthcare workers. Target nilang mabakunahan ang 1.7 million sa 3.1 million populasyon ng QC.

Ipinaliwanag naman ni Mayor Santiago ang paggamit niya ng Ivermectin para labanan ang Covid-19. Gumagamit siya nito at ito rin ang gamit niya sa kanyang mga alagang hayop. Dalawa hanggang tatlong beses kada buwan siya nagte-take. Kung gaano ito kaepektibo sa hayop ay ganun din sa tao, aniya.

Ibinalita rin niya ang mabilis na rollout ng bakuna sa kanyang lungsod. Patapos na raw sila sa 1st dose sa kanilang healthcare workers at seniors.

Pero so far, ayon kay Mayor Santiago, mataas pa ang Covid cases sa San Fernando. Kailangan aniya mabakuhan lahat ng kanilang residente.

The post Ang P16.4-B na inilabas ng NTF-ELCAC, at ang P17-B ayuda sa NCR Plus appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ang P16.4-B na inilabas ng NTF-ELCAC, at ang P17-B ayuda sa NCR Plus Ang P16.4-B na inilabas ng NTF-ELCAC, at ang P17-B ayuda sa NCR Plus Reviewed by misfitgympal on Mayo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.