Facebook

TAGAYTAY , IDEYAL PARA SA KURASH ATHLETES SEAG TRAINING BUBBLE- LLAMAS

KUNG papipiliin ng lugar upang makapag- ensayo ang mga atleta partikular ang mga pambato ng kurash sport na naghahanda para sa 31st Southeast Asian Games Vietnam 2021,pinaka-ideyal ang Tagaytay City ayon sa pamunuan Kurash Sports Federation of the Philippines.
Ayon kay KSFP president Rolan Llamas, napaka-hayahay ng pagsasanay sa Tagaytay dahil sa lokasyon at klima bukod sa natural na pagmamahal sa sports ng mga pinuno ng local government unit(LGU) sa pamumuno ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino – kabiyak ni Cavite 8th District Representative(Deputy Speaker) Cong.Abraham ‘ Bambol’ Tolentino na kasalukuyan ding Philippine Olympic Committe President at Phil Cycling head
“Aming hihilingin kay POC President ( Cong) Bambol Tolentino at Mayora Agnes Tolentino na maikunsidera ang ating kurash athletes na makapag-ensayo na sa Tagaytay sa lalong madaling panahon. Maraming salamat sa kanilang malasakit para sa national sports associations”, wika ni Llamas.
Ang naturang combat sport na hawig sa judo ay nakapag- ambag na ng karangalan sa bansa noong nakaraang 30th SEAG Ph 2019.
Misyon ng kurash national team ang mas impresibong kampanya ng mga pambatong atleta para sa parating na biennial meet sa Hanoi sa Disyembre.
Kumpiyansa si Llamas na mapaparisan o malagpasan ang 1-2-5 gold-silver-bronze na inani noong nakaraang 30th SEAGames na ini- host ng bansa.
Sa kanyang mga tinuran sa panayam ng PFT,optimistiko si Llamas na ang kanyang pinamumunuang national kurash athletes ay ginagawa ang lahat ng makakaya upang paghandaan ang bakbakan sa kabila ng mga restriksyon dahil sa krisis na dulot ng corona virus pandemic.
“Personally,I think we have a very good chance to win more medals this time.malaki ang tsansa na madagdagan iyon gold at silver medals na nakuha natin dati,” sambit ni Llamas.
Bagama’t limitado ang training ng mga contact sports tulad ng kurash dahil sa pandemic, nakayanan ng national team nito na manatiling nasa kundisyon sa pamamagitan ng individual training.
Sinabi rin ng dating national judo coach na si Llamas na ang positibong pananaw ng koponan ay malaking tulong para sabayan ang mga hamon sa hinaharap na kumpetisyon.
“ Sa Vietnam, may tinanggal silang categories pero may na-retain pa naman na maganda ang resulta natin nung nakaraang SEAGames kaya mataas pa din ang morale ng mga atleta.”
Kabilang sa muling isasabak na Kurash national team sa biennial event na nakatakda sa Nobyembrle 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi sina 30th SEAG womens gold medalist Estie Gay Liwanen, silver medalists Bianca Mae Estrella at Jennylou Mosqueda at bronze medalist Al Rolan Llamas.
“ Patuloy kaming naghahanap ng paraan para maka-resume ng training ang national team natin.Bagama’t may kakulangan tayo sa pondo,salamat ng marami pag naaprubahan tayo sa Tagaytay.”
Kamakailan ay ipinahayag ni POC head Tolentino ang mga LGU’ s na kakalinga sa NSA’s tulad ng Taguig( volleyball at table tennis).Santa Rosa( karate at ibang combat sports), Ormoc( fencing), Dumaguete( archery) at Tagaytay( cycling ).

The post TAGAYTAY , IDEYAL PARA SA KURASH ATHLETES SEAG TRAINING BUBBLE- LLAMAS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TAGAYTAY , IDEYAL PARA SA KURASH ATHLETES SEAG TRAINING BUBBLE- LLAMAS TAGAYTAY , IDEYAL PARA SA KURASH ATHLETES SEAG TRAINING BUBBLE- LLAMAS Reviewed by misfitgympal on Mayo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.