IRENG si Fil-Am Jordan Clarkson ng Utah sa NBA ay lalong gumagaling ngayong season. Mukhang bagay siya sa Jazz coming off the bench. Malaki na improvement niya mula sa kanyang panahon sa Lakers at Cavaliers. May average siyang 17.5 na puntos, 4,0 na rebound at 2.4 na assist kada game nitong taon.
Isa rin siya sa nangunguna sa race para sa Sixth Man of the Year award.
Ang kanyang lola sa mother side na si Marcelina Tullao Kingsaver ay mula sa Bacolor, Pampanga. Anak ni Marcelina si Annette Tullao Davis na ina ni Jordan.
Tinangkang makapaglaro ni Clarkson para sa RP Team noon pang 2015 pero 2018 Asian Games lang ito naisakatuparan. Hindi kasi ang FIBA ang lead agency dito kundi ang IOC at ang local na organizing committee
Ayon sa regulasyon ng world governing body sa basketball ay kailangan may Phil passport na siya bago mag-16 na anos bilang patunay na legal na Pinoy. Aprubado lang kung naturalized ang kanyang status.
Base naman sa claim ng SBP ay 12 na taon pa lang ang shooting guard ng league-leading Utah ay mayroon na siyang dokumento. Ano ba talaga ang totoo, kuya?
***
Delikado talagang malaglag ang Lakers sa pangpito o pangwalong puwesto sa Western Conference, Mangyari talo sila kahapon sa cross-city na karibal na Clippers at tambak pa kamo. Tapos nanalo naman ang Dallas sa Nets.
Napakakrusyal ng laban mamaya kontra sa Portland. Kapag nadaig pa sila nina Damian Lillard ay sadsad na sila sa dulo ng playoff picture.
Kaagawan nina LeBron James ang Mavericks at Trailblazers para sa safe sa play-in na fifth at sixth na mga spot.
Pinapahinga muli ni LBJ ang dating may injury na high right ankle niya at nasa health at safety protocol naman si Dennis Schroder. Pati si Anthony Davis ay 9 na minuto lang vs Clippers kahapon dahil may ininda na pananakit sa paa.
Tila dadaan sa butas ng karayom ang mga bata ni Coach Frank Vogel para maipagtanggol ang kanilang korona bilang hari ng pinakasikat na liga sa buong mundo.
Madrama na pagdepensa o malas na 2020-21?
The post Jordan pero di Michael! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: