Facebook

Babae niratrat habang tulog

PATAY ang isang babae nang pagbabarilin habang natutulog sa Maasin, Iloilo, madaling araw ng Lunes, Mayo 17.
Kinilala ang biktima na si Girlie Enriquez, 44 anyos at residente ng Barangay Pispis, Maasin.
Sa ulat, nagulat na lamang ang kinakasama ng biktima na natutulog sa kabilang kubo nang marinig ang mga putok ng baril.
Makalipas ang pagputok ng mga baril ay narinig ang biktima na humihingi ng tulong.
Kaagad dinala sa ospital ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival.
Nakuha sa pinangyarihan ang walong basyo ng bala ng 9 mm pistol.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.

The post Babae niratrat habang tulog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Babae niratrat habang tulog Babae niratrat habang tulog Reviewed by misfitgympal on Mayo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.