IBINASURA ng Sandiganbayan ang apela ng isang barangay chairman mula sa Sampaloc, Manila na baligtarin ang desisyon ng korte na naghatol sa kanya ng ‘guilty’ sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sinentensiyahan ng 6-10 taon pagkakakulong at diskuwalipikasyon sa public office si Barangay 404 Chairman Danilo Zausa.
Pinagtibay ng Fifth Division ang desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 27 at sinabing napatunayan ng prosekusyon na noong March 2016 ay ginamit ni Zausa ang kanyang barangay para makautang ng P226,000 sa negosyanteng si Gloria Merza.
Sinabi ni Zausa na ang loan ay ibabayad niya sa renta at pambili ng mga office supply ng barangay.
Maliban sa pagkakakulong, inatasan din si Zausa na magbayad ng actual damage na P198,500.
Ayon pa sa prosekusyon, kahit ilang beses nang nag-demand ang complainant na si Merza, mahigit P170,000 pa ang hindi nabayaran sa kanya ni Zausa.
The post Bgy. chairman sa Maynila kulong ng 10 years sa pekeng loan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: