Facebook

7 sabungero kulong sa tupada

ARESTADO ang pitong sabungero na naaktuhan ng pulisya na nangongolekta ng pusta sa isinagawa nilang “tupada” o iligal na pasabong sa Barangay Malasin, Sto. Domingo, Nueva Ecija nitong Linggo.
Ayon kay Police Colonel Jaime O. Santos, acting Provincial Director ng PNP Nueva Ecija, agad inaksyonan ng Sto. Domingo MPS sa pangunguna ni Major Herbert G. Ocumen ang impormasyong ipinaabot sa kanila tungkol sa nagaganap na tupada sa lugar. Nakuha sa mga ito ang pitong manok panabong (5 ay patay na) at P1,360 pusta.
Ang mga nadakip na sabungero ay nahaharap sa paglabag sa PD 1603 at RA 9287. (Ma. Jessica Erana)

The post 7 sabungero kulong sa tupada appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
7 sabungero kulong sa tupada 7 sabungero kulong sa tupada Reviewed by misfitgympal on Mayo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.