Facebook

Mag-asawa nangikil sa parak, kulong

ARESTADO ang mag-asawang nangikil sa pulis sa Barangay Dao, Pagadian City noong Biyernes.
Kinilala ang mag-asawa na sina Ariel Basas, 54 anyos; at Emily Basas, 44, mga residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, ang biktimang si Police Sgt. Rodyl Armada, nakatalaga sa Tukuran Municipal Police Station, ang may hawak sa kasong vehicular accident na kinasasangkutan ng isang kamag-anak ng mag-asawa.
Nabatid na nagkaroon ng settlement sa pagitan ng mga sangkot sa vehicular accident at dahil dito hindi na itinuloy ni Armada ang pagsasampa ng kaso.
Pero ikinagulat ni Armada nang hingan siya ng P30,000 ng mag-asawa bilang kabayaran umano sa pagpapabaya nito sa kaso gayong may settlement na naganap at hindi ang mag-asawang Basas ang sangkot sa vehicular accident.
Dahil dito, nagkasa ng entrapment operation ang mga awtoridad at nang tanggapin ang pera ay inaresto ng mga operatiba ang mag-asawang Basas.

The post Mag-asawa nangikil sa parak, kulong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-asawa nangikil sa parak, kulong Mag-asawa nangikil sa parak, kulong Reviewed by misfitgympal on Mayo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.