Facebook

Bgy. Ex-O huli sa ‘rape’ sa menor, kita sa CCTV

DINAMPOT ang Ex-O ng isang barangay nang ireklamo ng ‘rape’ ng pamilya ng isang menor de edad nitong Miyerkoles sa Sampaloc, Maynila.
Sa ulat, tinangka gahasain ng Ex-O ang 13-anyos na dalagita na anak ng isa ring nagtatrabaho sa kanilang barangay. Nangyari ang pangmomolestiya sa barangay hall at nakuhanan pa ng CCTV.
Karga-karga ng 45-anyos na Ex-O ang biktima na walang suot pambaba pagpasok sa barangay hall.
Ayon kay Police Lt. Col. Gene Licud, hepe ng Sampaloc Police, isa pang taga-barangay ang nakapansin sa kanila at sumunod sa loob ng barangay hall kaya naagapan ang panggagahasa.
Todo depensa ang Ex-O na wala siyang ginawa dahil naaawa siya sa dalagita at ang biktima pa umano ang naghubad at nag-aya sa kanya.
Pero ayon sa pamilya ng biktima, mag-iigib lang sana ng tubig ang kanilang anak nang bigla umano itong hawakan ng Ex-O.
Kakasuhan ng attempted rape ang barangay official. (Jocelyn Domenden)

The post Bgy. Ex-O huli sa ‘rape’ sa menor, kita sa CCTV appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. Ex-O huli sa ‘rape’ sa menor, kita sa CCTV Bgy. Ex-O huli sa ‘rape’ sa menor, kita sa CCTV Reviewed by misfitgympal on Mayo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.