NAIPUWERSA ni si International Master Daniel Quizon ng Pilipinas ang crucial fifth-round draw sa online Zone 3.3 Zonal Chess Championships nitong Miyerkules.
Si Quizon, ang 2018 South Korea Eastern Asia Juniors Chess Championship ruler ay nakipaglaban ng husto at nauwi sa draw kontra kay second seed Grandmaster Novendra Priasmoro ng Indonesia tangan ang white pieces matapos ang 92 moves ng Sicilian defense.
Tangan ni Quizon Queen at dalawang isolated pawns kontra kay Priasmoro na may rook at knight.
Nagkasya din si International Master Michael Concio Jr. sa quick 16 moves draw kontra kay International Master Mohamad Ervan ng Indonesia sa kanilang Giuco Piano skirmish.
Sa iba pang kaganapan ay nagwagi si International Master Sean Winshand Cuhendi ng Indonesia sa kanyang kababayan na si Fide Master Pitra Andyka matapos ang 36 moves ng London System Opening, binigo ni Fide Master Jagadeesh Siddharth ng Singapore si untitled Kimuel Aaron Lorenzo ng Pilipinas matapos ang 40 moves ng Kings Indian defense, minate ni National Master Merben Roque ng Pilipinas si Yu Tian Poh ng Malaysia matapos ang 131 moves ng Alekhine defense, habang angat ang top seed Grandmaster Susanto Megaranto ng Indonesia kontra kay International Master John Marvin Miciano ng Pilipinas matapos ang 24 moves ng Caro Kann defense.
Sina Quizon, Concio, Ervan, Cuhendi at Siddharth ay kapawa nakapagtala ng tig 4 points sa 9-round, Swiss system tournament habang sina Megaranto, Priasmoro at Roque and five pang woodpushers ay may tig 3.5 points.
Samantala ang lone Filipino Grandmaster Darwin Laylo ay tabla kay International Master Gilbert Elroy Tarigan ng Indonesia matapos ang 16 moves ng King’s Indian defense tungo sa total 3 points.
Ayon kay International Arbiter Casto “Toti” Abundo ng World Chess Federation ang top 2 finishers ay uusad sa World Cup sa Agosto sa Minsk, Russia. (Marlon Bernardino)
The post Quizon nakisalo sa liderato kasama ang 4 na woodpushers appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: