Facebook

Biro lang

MALAKING biro tuwing sasapit ang Mayo Uno, ang Araw ng Paggawa. Sa tuwing sasapit ang araw na ito, naglalabasan ang mga obrero upang ipakita ang kanilang lakas. Hihingi sila ng dagdag na sahod at iba pang benepisyo. Ngunit hindi pinapakinggan ng negosyo. Karakang nagwawalang bahala at sasabihin na hindi kaya ibigay ng mga negosyante ang mga hinihingi.

Natatapos ang tunggalian ng interes ng dalawang kampo sa sandaling pumasok ang gobyerno. Palaging kampi ang pamahalaan sa negosyo at tulad ng nakagawian sa nakalipas na panahon, walang nangyayari. Tulad ng nakagawian, matapos mabilad sa araw ang mga manggagawa, uuwi sila na luhaan. Ganito ang nangyari noong Sabado.

Matamlay ang gobyerno ni Rodrigo Duterte sa mga obrero. Matapos nakuha ang kanilang suporta noong 2016 at naihalal na pangulo, kagyat na kinalimutan ni Duterte ang sektor ng paggawa.Wala siyang ginawa kahit isa sa mga ipinangako. Hindi nawala ang subcontracting, o ang tinatawag na “endo,” ang sistemang “end of contract’ kung saan ang manggawa ay sumasailalim ng five month contract upang magtrabaho.

Paikot-ikot lang at palaging pinaiikutan ng magkakasabwat na negosyo at gobyerno ang mga manggagawa. Nawala ang lakas ng paggawa at sa mahigit na 35 milyon manggagawa, nasa 200,000 obrero ang mayroon collective bargaining agreement (CBA) sa kanilang trabaho. Maraming manggagawa ang walang unyon. Pangkaraniwan ang sistemang subcontracting sa mga kumpanya.

***

HABANG kasagsagan ng pagpapakita ng lakas paggawa sa isang malaking rally sa Welcome Rotunda sa hangganan ng Maynila at Quezon City ang mahigit 30,000 obrero na nagtitipon doon, patagong nagpunta ang 25 kalalakihan na kabilang umano sa hindi kilalang grupo na mukhang alyado sa pangkat ni Rodrigo Duterte. Nagdaos sila ng “lightning rally” sa harap ng U.S. Embassy sa Roxas Boulevard. Pawang nakatakip ang kanilang mga mukha ng faceshield at face mask kahit hindi makikila ang mga kalalakihan.

Naglabas ng mga placard at nagsunog sila ng bandilang papel ng Estados Unidos. May nagsalita sa isang sound system na kanilang dinala. Hiningi sa Estados Unidos na lumayas ang kanilang sasakyang pandagat sa West Philippine Sea. Pinagtawanan ang mga rallyista sapagkat mukha silang pakawala ng China. Tapos ang rally sa loob ng 10 minuto.

***

MAY isinulat si Miguel Suarez, isang kasama sa malayang pamamahayag, tungkol sa isang doktor na kasama nina Mike Defensor at Rodante Marcoleta, ang dalawang mambabatas na nagsusulong ng paggamit – at namimigay pa – ng pildoras na Ivermectin. Kasama ang doktor na hindi ibinigay ni Mike Suarez ang pangalan sa pagsusulong ng Ivermectin.

Hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang Ivermectin bilang gamot ng mapinsalang Covid-19. Ngunit isinusulong ng tambalang Defensor – Marcoleta. Mistulang ahente sila ng gamot. Namimigay sila ng sample katulong ang doktor na kakutsaba. Ngunit ayon kay Mike Suarez, hindi inilalagay ng doktor ang kanyang pangalan at PRC license number at PTR number sa bawat reseta na ibinigay nila sa tao. Ito ang nagpapatunay kung totoong doktor nga ang tumutulong sa kanila.

Paglabag ito sa kanyang sinumpaang tungkulin kung totoong doktor siya. Medical malpratice ang turing dito. Kaugalian ng mga doktor na inilalagay nila ang kanilang pangalan sa bawat reseta na ibinibigay nila sa pasyente. Kasama sa pangalan ang PRC at PTR number. Dito malalaman kung lehitimong manggagamot sila.

Ani ni Mike: As it turns out, in writing their prescriptions for Ivermectin, these doctors were leaving out their names and/or their PRC license and PTR numbers. Why would they do that? This is no small matter. These numbers, along with the S2 license number for regulated drugs, are required by law to be printed on doctors’ prescriptions. Their names and contact information are also required to be on their prescription pads. This information is absolutely necessary in protecting the well-being of patients and making doctors accountable for their prescriptions.

“Thus, I couldn’t believe the gall of one of these doctors, who didn’t even identify himself. He had the gumption to say: “Pasensya na po…. kaming mga doktor ay matatanda na rin kami, medyo nakakalimutan na namin ang number…. nitpicking na po kayo (Bear with us… we doctors are getting old and sometimes we forget these numbers… you are nitpicking)….

“These doctors are omitting their names and PTR numbers in prescribing unauthorized drugs, and they have the gall to say people who call them out for such omissions are simply nitpicking! It’s as if the information being withheld is piddling, unnecessary and inconsequential.”

***

MGA PILING SALITA: “Adviser Bong Go has pushed the President into a corner with his pro-China policy. It has become an anti-Filipino policy that sees the President going against distinguished Justice Carpio, the AFP’s deep patriotism, and the people’s will. The President needs a better adviser.” – Joe America, netizen

“Meron pa bang mas tututa sa pagkatuta ni Duterte sa Tsina? I don’t think there is. This is the lowest of the low that one can become a puppet of a foreign power. And yet we tolerate it as if it is everyday that a Filipino Pres. commits treason and sells out to a foreign power.” – Leila de Lima, prisoner of conscience

“Bong Go is a loser, it seems. Blaming his staff for the speech he gave, pushing the President into defending China, putting his dour mug into ambulances and food pantries as if he invented compassion. His air inspections and photo-shoots are notoriously bad. Is he Filipino?” – Joe America, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Biro lang appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Biro lang Biro lang Reviewed by misfitgympal on Mayo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.