MAKALIPAS ang ilang dekadang pagpapaliban sa problema ng CPP-NPA na ang pangunahing layunin ay palitan ang sosyo, ekonomiko at politikal na istruktura ng ating bansa ng isang sistemang sosyalista sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pangmatagalang himagsikan, nagtatag ang administrasyong Duterte ng Whole-of-Nation approach upang puksain ang karahasan na dulot ng mga terorista at tuluyang makamtan ang kapayapaan para sa lahat ng mamamayang Pilipino.
Nilagdaan ng Pangulo ang Executive Order 70 upang wakasan ang lahat ng armadong banta at kilalanin na nakasalalay ang paglunas ng mga hidwaan sa pagtaguyod ng participatory governance, sinerhiya sa pagsulong ng mga layuning gobyerno patungo sa kaunlaran at pagpapahusay ng pakikilahok at responsibilidad ng mga pamahalaang lokal.
Kabilang sa Whole-of-Nation approach ang paglutas sa mga ugat na sanhi ng pag-aalsa, kaguluhan, tensyon, banta at iba pang armadong pakikibaka sa pamamagitan ng maayos na paghahatid ng mga pangunahing serbisyo, social at development packages ng gobyerno, tugon sa pangkalahatang pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang makamtan ang kapayapaan.
Binuo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang ipatupad ang mga layuning ito.
Ang panawagan ng ilang Senador na tanggalin ang pondo ng NTF-ELCAC dahil sa pahayag ni Lt. General Parlade na “kahangalan KUNG babawiin ang pondo” ay isang emosyonal at wala sa katwiran. Binasura ang panguunawa at agad kinondena ang isang aksyon dahil nasaktan ang kanilang damdamin. Ito ay isang masama at delikadong pagpapakita ng kapangyarihan.
Ang kanilang deklarasyon ay salungat sa pahayag ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification, at Reconciliation nuong Pebrero 21, 2021. Sinabi sa kanilang pahayag… “ang Whole-of-Nation approach ay ang pinakamabisang programa na kontra-insurhensya dahil napatunayan ang pagbawas ng impluwensya at lakas ng CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army). ”
Ang tagumpay ng NTF-ELCAC ay hindi maaaring ipasantabi lamang at hindi papayagan ng mamamayan na ituloy ng Senado ang kanilang aksyon sa pagtanggal ng pondo dahil ito ay kontra sa seguridad at kabutihan ng mamamayang Pilipino.
Ang Barangay Development Program ng NTF-ELCAC ay isa sa pinakamagaling at episyenteng programa ng gobyerno. Direktang nakikipag-ugnayan at sumusuporta sa 822 barangay lalo na sa ma apektadong lugar na may labanan. Sinusuportahan ng NTF-ELCAC hanggang 20 milyon piso ng development packages at services ang mga lugar na ito. Kasama sa suporta ay:
1) Farm-to-market roads,
2) School buildings,
3) Water and sanitation system,
4) Assistance to indigent individuals or families,
5) Agricultural, livelihood and technical vocational trainings,
6) Electrification,
7) Health services
Mabibigo ang layuning patatagin ang mga kanayunan kung tatanggalin ang lahat ng mga serbisyo ng NTF-ELCAC lalo na sa mga napapabayaang Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICC/IP). Ang tanging pangkat na makikinabang dito ay ang pangkat na sinisikap puksain ng Whole-of-Nation approach…ang CPP-NPA.
Hindi makakamtan ang kapayapaan kung paiiralin ay walang kabuluhang pangangatwiran o pagsabog ng emosyon. Inaasahan ng bayan na magtatrabaho ang ating mga pinuno para sa pakinabang ng ating bansa sa pamamagitan ng mabilis na pagtalakay sa mga isyung sosyo ekonomiko.
The post Huwag payagan ang mga senador na tanggalin ang pondo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: