Facebook

Bohol na hindi taga-Bohol!

SI dating kampeon sa boksing na si Rolando Bohol ay isang matagumpay na negosyante na sa Las Vegas. Pinapangasiwaan niya ang sariling online store na mayroon halos lahat ng bagay na kailangan natin.

Ang ex-IBF flyweight king ay may online show din na may pamagat na Champ TV. Matutunghayan ito sa Facebook at You Tube.

Kamakailan ay bisita niya ang kapwa boksingerong si Luisito Espinosa na isa sa napakakulay ang naging kwento na prizefighter.

Pagkatapos ng pandemya ay pinaplano niyang umwi sa kanyang bayang sinilangan na Himamaylan, Negros Occidental. Mga 30 na taon na ang nakaraan mula kanyang huling bisita dito. Ibig niyang maghandog pa ng mga boxing equipment at ma-inspire ang mga kabataan.

“ Iba kasi kung kaharap mo mismo ang iyong idolo, lalo kang inspirado na pagbutihin ang iyong karera,” sabi ng kauna-unahang sa stable ng mga Elorde na magka-world title.

“Nangyari sa akin yan nang makausap ko ng personal si Flash Elorde noon sa kanilang gym sa Sucat, Paranaque,” dugtong ni Bohol.

Yung nag-iisang anak niyang lalake ay basketball ang hilig at walang interes sa kanyang sport. Maigi na daw iyon kasi napakahirap ng buhay ng isang boxer. Posible pang madisporma ang iyong mukha at maapektuhan ang iyong ilong.

Siya ay nagkadiperensya kaya nagka-sinusitis siya. Nagka-allergy pa kaya may sipon sa ating panayam nang maging espesyal natin siyang panauhin sa OKS@DWBL noong Lunes.

Pinasok din niya ang mundo ng showbiz nang gumawa siya ng pelikula kabituin niya ang tokayong si Rolando Navarette.

Ito ang Kambal na Kamo. Mga 10 araw lang ito tinapos ni Direk Carlo J Caparas kasi papaalis siya noon upang lumaban sa abroad.

“Inabangan ako ni Direk Carlo at ni Producer Donna pagkatapos ng isang fight ko at inalok magputing-tabing, hayun naging artista rin,”

Pagdating sa pulitika ay ayaw naman niya gaano magkomento. Hindi rin niya nais niya tumakbo sa ano mang puwesto kasi maaari naman tumulong kahit wala kang posisyon sa gobyerno. Noong kasikatan niya ay inalok siyang maging katiket ng isang alkalde nguni’t tinanggihan niya ang pagkakataon. Abala rin siya noon at may mga laban sa ibayong-dagat.

“Iba kami ng pananaw dito ni Manny Pacquiao pero kung ang kanyang gusto ay hangad kong matupad sana ang kanyang pangarap,” wika ni Roland sa ating interview.

Pwede ninyo itong mapanood sa https://www.youtube.com/watch?v=2CJFJ-3UehE&t=67s o sa https://ift.tt/3nT5spb

***

Lumaki posibilidad na mahulog ang Lakers sa play-in spot sa Western Conference. Natalo sina LeBron na di inaasahan sa halos na eliminated na na Raptors matapos maolat din sila ng Kings noong Sabado. Tabla sila ngayon sa panglima, pang-anim at pangpito ng Mavericks at TrailBlazers. Puro sila may kartadang 36-28 at may 3.5 na kalamangan na game sa pangwalong Grizzlies. 7th at 8th ay dadaan pa ilang laro laban sa 9th at 10th.

Mabibigat pa kanilang mga susunod na mga game na kontra sa Nuggets, Clippers, Blazers ,Suns at Knicks.

Huling tatlong laban naman nila ay vs Rockets, Pacers at Pelicabs.Gising Los Angeles Lakers!

The post Bohol na hindi taga-Bohol! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bohol na hindi taga-Bohol! Bohol na hindi taga-Bohol! Reviewed by misfitgympal on Mayo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.