PINAIIMBESTIGAHAN ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagpatay sa isang miyembro ng board of directors ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) nitong Linggo.
Kinilala ang biktima na si John Heredia, 54 anyos, beteranong mamamahayag at dating chairperson ng NUJP sa Roxas City bago naitalagang municipal administrator ng bayan ng Pilar, at nagsilbi rin itong executive producer at host ng isang cable television program na “Abri Aga” at nagsulat sa mga lokal na peryodiko.
Sa report, kalalabas lang ni Heredia sa isang hardware store sa Barangay Lawa-an at pasakay sa kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng riding-in-tandem.
Kinumpirma ng maybahay ng biktima na si Atty. Criselda Azarcon-Heredia na nakakatanggap na ng mga banta sa buhay ang kanyang mister.
Napag-alamang nauna nang nakaligtas sa pananambang si Criselda, miyembro ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), noong Setyembre 2019 sa bayan ng Sigma.
Hindi pa malinaw sa kasalukuyan kung may kaugnayan ang dalawang insidente.
“Considering that John Heredia was a journalist, I will refer his case to the Presidential Task Force on Media Security for investigation and case build-up,” ani Guevarra.
“While Heredia was no longer in media when he was killed, his death is a symptom of the culture of impunity in the Philippines.”
The post Pagpatay sa ex-NUJP chair pinaiimbestigahan ng DoJ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: