KUNG totoo lang o nangyari ang matagal nang ipina-ngangalandakan ng gobyerno na nakabili na sila ng 140 milyong doses ng iba’t ibang klase ng bakuna kontra Covid-19, tapos na sana ang problema natin sa pandem-yang ito.
Last year pa ay paulit-ulit nang inaanunsyo nina Vaccine czar Carlito Galvez at President Rody Duterte sa kanilang weekly ‘report to the nation’ na nakabili na sila ng 140 milyong doses ng bakuna kontra Covid-19.
Pero anong petsa na mga bossing? Mayo 2021 na!, wala pang 2 milyon sa mga “nabiling” bakuna ang dumating sa bansa.
Samantalang ilang trilyong piso na ang inutang ng gob-yerno pambili ng mga bakuna. Anyare?
Mabuti nalang at nag-donate kuno ang China ng almost 2 milyong doses ng Sinovac at almost 1milyong doses ng AstraZeneca ang World Health Organization (WHO) at nabakunahan ang ating frontliners.
Kung walang donasyon, malamang nganga sa bakuna hanggang ngayon ang ating frontliners. Mismo!
Oo! Ang dumating palang sa target na 140 milyong doses ng bakuna ay higit 1 milyong doses. Kailan pa kaya darating ang 138 milyong doses?, kapag puti na ang uwak?
Target ng gobierno na mabakunahan ang 70 milyon sa 110 milyong populasyon ng Pilipinas.
Kung ganito kabagal ang dating ng mga “nabiling” bakuna at araw-araw ay may higit isandaang namamatay sa Covid-19, malaki ang mababawas sa mga botante sa 2022 Election. Mismo!
Ang palagi nang rason ngayon ng gobierno kaya hindi pa dumarating ang mga biniling bakuna ay dahil kinapos raw sa suplay ang manufacturers sa Amerika, Russia, India, China at Germany. Inuuna raw kasi mabakunahan ang lahat ng kanilang mamamayan.
Pero ang Pilipinas nalang sa Southeast Asia ang hindi nakapagsisimula ng mass vaccination program. Ang mga karatig bansa na Singapore, Indonesia, Malaysia, Thailand, Vietnam, Taiwan at Myanmar ay halos patapos na. Normal na nga ang kanilang pamumuhay. Open na lahat ng business. Pilipinas nalang ang abnormal, higit 1 year nang naka-quarantine. Buwisit!
Sabi ng mga galit sa Duterte administration, malamang na mawala lang ang Covid-19 kapag bago na ang gobierno. Hmmm… maari nga!!!
***
Mainit na isyu ngayon ang pagdeploy ng maraming barko ng China sa West Philippines Sea, kungsaan hinaharang ang ating mga mangingisda para makapangisda sa Pagasa Island at Scarborough Shoal.
Pinagdududahang may ginagawa na namang kabulastugan ang China sa lugar tulad ng pagtatayo ng kanilang military base.
Kaya naman ang malalaking bansa ay nababahala sa ginagawang ito ng China sa WPS. Ang US, Japan, Germany at England ay nagpadala ng kanilang warships para mag-survey sa WPS.
Sabi ng mga makabayang Pinoy, buti pa ang ibang bansa ay nababahala at nakikialam sa pananakop ng China sa isla ng Pilipinas, pero ang pangulo ng Pilipinas dedma sa illegal activities ng China sa WPS.
Sabi ni retired Supreme Court Sr. Associate Justice Antonio Carpio, ang ginagawa ni Duterte na halos ibinibigay na sa China ang mga isla ng Pilipinas sa WPS ay isang pagtataksil sa ating Saligang Batas. Dapat na raw itong mag-resign o patalsikin.
Say n’yo, mga pare’t mare? Kailangan pa bang magbitiw o patalsikin si Duterte e 12 months nalang eleksyon na!Hehehe…
Keep safe, mga suki. Wear facemask paglabas ng tahanan…
The post Press release lang ang milyon milyong doses ng bakuna appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: