PATAY ang isang lider ng New People Army (NPA) at asawa nito sa operasyon ng pulisya at militar sa Capalonga, Camarines Norte.
Kinilala ang mga nasawi na sina Lourdes Marca, SPL Secretary ng San Antonio base sa ilalim ni Commander Ka Ding; at mister na si Noeme Marca, NPA recuiter ng P-2, Bgy San Antonio sa Capalonga.
Ayon kay Brig. General Jonnel Estomo, director ng PRO5, 2:30 ng madaling araw nang makaengkwetro ng pinagsanib na mga elemento ng PRO 5, Police Intelligence Unit, 96 Infantry Battalion, 2nd Provicial Mobile Force Company, at Capalinga Police Station ang 12 rebelde sa Purok 2, Bgy. San Antonio.
Isinagawa ang operasyon base sa search warrant na ipinalabas ni Judge Arniel A. Dating ng RTC Branch 41, Daet, Camarines Norte, nitong April 21 laban sa mag-asawang Marca.
Sa report, ang mag-asawang Arca ay kasama sa kilos protesta sa Mendiola noong 39th Mendiola Massacre Anniversary, January 22, 2017.
(Mark Obleada)
The post Mag-asawang NPA patay sa ‘warrant’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: