Facebook

Bong Go: Magkaisa, magtulungan sa oras ng krisis

NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go sa mga Filipino na magkaisa at magtulungan sa panahong nahaharap sa krisis ang bansa.

Ginawa ni Go ang pahayag sa two-day relief operation na isinagawa ng kanyang grupo sa Palo, Leyte na kabilang sa pinakanaapektuhan ng masamang epekto ng COVID-19 pandemic, kalamidad at iba pang krisis.

“Mga kababayan, napakahirap ng panahon natin ngayon. Ganito ang sitwasyon hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Dahil sa pandemya, marami ang nagsarang negosyo at nawalan ng trabaho, kasama na dito ang mahigit kumulang 500,000 na overseas Filipinos workers,” ani sa Go sa video message.

“Kaya sa panahon ngayon, dapat magkaisa at magbayanihan tayo. Magmalasakit tayo sa ating kapwa Pilipino upang malampasan natin ang krisis na ito,” patuloy niya.

Namahagi ang grupo ni Go ng iba’t ibang ayuda sa may 1,900 beneficiaries sa Cirilo Roy Montejo Sports Complex sa loob ng 2 araw na relief operation para matiyak na nasusunod ang safety protocols.

Batid ng senador, tagapangulo ng Senate Committee on Health, ang naging masamang epekto ng pandemya sa low-income workers pero iginiit nya na kailangang sundin ang government protocols sa paglabas-labas ng tahanan upang hindi na kumalat ang virus

“Ang gamit naman ay mabibili natin. Ang pera, kikitain ‘yan. Subalit ang perang kikitain natin hindi mabibili ang buhay. A life lost is a life lost forever kaya mag-iingat tayong lahat at pangalagaan natin ang buhay at kalusugan ng bawat Pilipino,” anang senador. (PFT Team)

The post Bong Go: Magkaisa, magtulungan sa oras ng krisis appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Magkaisa, magtulungan sa oras ng krisis Bong Go: Magkaisa, magtulungan sa oras ng krisis Reviewed by misfitgympal on Mayo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.