Bahagi ng programang maipagkaloob ang serbisyong pangkalusugan sa buong bansa ay naihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na isisulong nito ang pagpapaigting ng public health na bahagi ng kaniyang mensahe sa inilunsad na 106th Malasakit Center sa Don Jose S. Monfort Medical Center Extension Hospital, Barotac Nuevo, Iloilo.
“Witness ako doon. Napakaraming hospitals ang kulang ang hospital beds. Wala pa ang pandemyang ito, nakikita ko nakalinya na ang mga kama sa labas ng corridor, ang mga batang pasyente nagtatabi sa isang kama. Paano natin mao-observe ang social distancing sa panahong ito kung ganyan ang sitwasyon natin? Kaya I am here to give my support para ma-increase ang bed capacities ng ating public hospitals. I am very willing to help para mapabilis at mapirmahan agad ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga kailangang batas,” saad ni Sen. Bong Go sa kaniyang naging virtual speech.
Pinasalamatan din nito ang pagseserbisyo at sakripisyo ng mga Medical Frontliner para masugpo ang paglala ng COVID-19 at kinakailangan aniya na mabigyan ng suporta ang mga ito upang maprotektahan ang kanilang mga kalusugan.
Ipinanawagan kamakailan ni Go sa gobyerno na remedyuhan ang sitwasyon upang huwag mabinbin ang pagsasagawa ng Professional Board Exams lalo na sa mga nagsipagtapos ng Nursing upang ang mga ito ay mapabilang na sa Medical Work Force.
Ang PRC ay nagpahayag na ang May 2021 Nursing Licensure Exam schedule na dati ay nai-set ng November 2021 ay gagawin na ngayong July 3-4, 2021.
“Nakausap ko ang Inter-Agency Task Force at last week pumayag na sila na bigyan priority ‘yung mga personnel at examiners ng Professional Regulation Commission para hindi maantala lalo ang nursing board exams,” saad ni Go na kamakailan iniapela nito at sinang-ayunan ng National Task Force Recovery Cluster na ang PRC Frontline Personnel ay isama sa A4 priority group na mababakunahan.
Bilang Chair ng Senate Committee on Health, si Go ay nagsaad na ibibigay nito ang buong pagsuporta para sa kapakanan at maipaglaban ang mga pangangailangan ng mga medical frontliner sa buong bansa.
“Bilang long-time health advocate, personal kong misyon ang palakasin ang kalusugan ng ating mga kababayan. Kaya sinisigurado ko na isusulong ko ang mga batas, polisiya at programa na magpapabuti ng kalusugan ng bawat Pilipino. Ngayon na nasa gitna tayo ng pandemya, we are trying to balance the economy and public health. Pero para sa akin, dapat unahin natin ang kalusugan at buhay ng bawat Pilipino dahil a lost life is a lost life forever,” pagpupunto ni Go na siyang may akda ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Cenyers Act of 2019.
Sa naturang batas, ang lahat ng.mga DOH run hospitals at ang Philippine General Hospital.sa Manila ay may mandato na magpagawa ng kanilang Malasakit Center Hospital na pangangasiwaan ng local government units at ang ibang ospital ay maaari ring magpagawa na kailangan lamang ay masunod ang standard set of criteria para sa garantiya na masusustine nila ang operations.
Ang Don Jose S. Monfort Medical Center ay ang ika-2 ospital sa Iloilo na nakapagpagawa ng kanilang sariling Malasakit Center na dagdag ito sa Western Visayas Medical Center ng Iloilo City.
“Huwag po kayong magpasalamat sa amin ni Pangulong Duterte para sa Malasakit Center. Kami dapat ang nagpapasalamat dahil binigyan niyo kami ng pagkakataon na magserbisyo. Mga Bisaya, mga probinsyano po kami … na binigyan ng pagkakataon na maglingkod kaya hindi namin sasayangin ito. Up to the last day of our term and even beyond, magseserbisyo kami sa aming kapwa Pilipino. Ito ang tanging layunin namin … wala nang ibang hangarin ang ating mahal na Pangulo kung hindi ang kabutihan ng taumbayan. Sinugal na niya ang lahat kaya sasamahan ko siya hanggang sa huli,” pagpapahayag ni Go.
Pinasalamatan ni Go ang iba’t ibang mga opisyal na nagsidalo sa okasyon tulad nina 4th District Representative Braeden John Biron, Iloilo City Rep. Julienne Baronda, Secretary Michael Lloyd Dino ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas, Assistant Sec. Girlie Veloso ng Office of President, DSWD Assistant Regional Director for Operations Delia Bagolcol, Chief of Hospital Dr. Mariano Hembra at Chief of Clinics Dr. Ma. Nanette Pabilona.
Pinasalamatan din nito angl local representatives ng Malasakit Center program’s partner agencies na sina PCSO ILOILO Assistang Branch Manager Ryan Avelino, PCSO Social Worker Nestle Joy Quintils at PhilHealth Iloilo Management Services Division Head Jane Monteverde.
The post 106th Iloilo Malasakit center, inilunsad appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: