
WALANG ibang nais gawin si Congresswoman Helen Tan kundi ang tulungan ang kanyang mga kababayan sa lalawigan ng Quezon upang kahit paano’y sagipin ang lalawigan sa lalo pang pagkalat ng sakit na Covid 19.
Hindi nagtubiling manawagan si Congresswoman Helen sa Department of Health (DOH) upang dagdagan ang bilang ng COVID-19 vaccine na ipinadadala sa kanilang lalawigan.
Halos kasabay ang panawagan ni Congresswoman Helen nang isapubliko ni Quezon Governor Danilo Suarez na siya ay nagpositibo sa COVID-19 pati na ang kanyang asawang si Congresswoman Aleta Suarez, ang kinatawan sa ikatlong distrito ng Quezon.
“Sa kasamaang palad, mabagal ang pagbabakuna sa aming lalawigan. Kaya naman nananawagan na ko sa Department of Health na tulungan naman ang aking mga ka-lalawigan na mabakunahan at madagdagan ang supply ng bakuna para maprotektahan na laban sa sakit ang mga taga-Quezon,” sabi ni Congresswoman Helen, chairperson ng House Committee on Health.
Nadagdagan ng 791 ang bilang ng nahawa ng COVID-19 sa lalawigan sa nakalipas na dalawang linggo.
Batay sa datos ng DOH hanggang noong Abril 27, sa 14,012 healthcare workers (A1 priority group) sa Quezon ang nabakunahan ng Sinovac ay 2,869 at 5,227 naman ang nabigyan ng AstraZeneca o 57.8% lamang ng kabuuang bilang.
Sa 73,079 senior citizen (A2 priority group), ang nabakunahan ng Sinovac ay 229 at 103 naman ang nabigyan ng AstraZeneca.
Sa A3 priority group o individuals with comorbidities, 170 sa 720 lamang ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Umaabot sa 2.1 milyon ang populasyon ng Quezon.
NBA styled basketball gym
pinasinayaan sa Barangay Toro
PINASINAYAHAN ni Quezon City 1st Dist. Rep. Anthony Peter “Onyx” D. Crisologo ang bagong gawang Multi-Purpose Gym sa Barangay Toro, samantalang magsisilbing parking area ang ibabang bahagi nito para sa mga parokyano o mga nagsisimba sa Our Lady of Perpertual Help Parish.
Ayon kay Congressman Crisologo pansamantalang gagawing vaccination area para sa mga residente ng Barangay Toro ang bagong gawang gymnasium.
Dahil na rin sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo publiko sa kanyang nasasakupang lugar, masayang ipinagmalaki ng Kongresista ang napaka-gandang basketball gym na maituturing na isang “state of the art” dahil sa pulidong-pulido ang pagkakagawa nito at kahawig sa basketball gym na pinagpa-praktisan ng mga professional players mula sa National Basketball Association (NBA).
Bukod sa mga residente roon na mahilig maglaro ng basketball, maari rin gamitin ito ng mga professional at amateur players mula sa Philippine Basketball Association (PBA) at PBA-D League para sa kanilang ensayo.
Nabatid kay Crisologo na ang Toro Hills Homeowners Association (THHA) Multi-Purpose Gym ang isa sa anim na nakahilerang proyekto niya sa kaniyang unang termino bilang Kongresista ng Distrito Uno.
Kabilang sa mga lugar na patatayuan din ng kahalintulad na NBA styled gym ang Barangay Masambong, Bagong Pag-Asa, Ramon Magsaysay, Damar, Project 6 at Barangay West Triangle.
Ipinaliwanag ng mambabatas, ang mga “modern government projects” o mga proyektong may kalidad, makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa mga residente ng Distrito Uno ang nakatakda niyang gawin sa kaniyang unang termino.
“What I envision for District One is to have modern government projects that have quality and useful most especially for the youth. Para makaiwas sila sa masasamang bisyo gaya ng drugs,” ayon kay Crisologo, isang Civil Engineer by profession.
Kasabay nito, namahagi rin sina Cong. Crisologo at ang kabiyak nitong si QC 1st Dist. Councilor. Nicole Ella “Nikki” V. Crisologo ng mga grocery items, medical kits, alcohol at wheelchair para sa mga residente ng Barangay Toro.
***
NAGPAPASALAMAT ang grupo ng Lakbay Pinas kay Guinayangan Municipal Mayor Cesar Isaac III, Councilor Eugene Cambronero, chairman, tourism committee, Guinayangan Tourism Council headed by Mrs. Delta D. Pujalte, Senior Tourism Operations Officer, sa mga staff na sina Edwin Cambronero, Ryan Extremadura, Twice Pujalte, Miko Matte, Clifford Pedregal at Stephanie Brusas sa mainit na pagtanggal sa aming grupo. Gayundin nagpapasalamat ang Lakbay Pinas kay Atimonan Municipal Mayor Engr. Rustico Joven U. Mendoza at sa staff ni Congresswoman Helen Tan na nagsilbing tourist guide sa paglilibot ng Lakbay Pinas team sa mga tourism attractions sa bayan ng Atimonan. Mabuhay kayong lahat!
The post Dagdag bakuna hiling ni Congresswoman Helen sa DOH appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: