Facebook

Dapat nang pagbayarin ang NPA sa mga atraso nito

PANAHON pa lamang ni noo’y Local Goverment Secretary Jesse Robredo, tinatayang nasa $1.5 bilyong dolyares na ang pinsalang nagawa ng komunistang-teroristang samahan na Communist Party of the Philippines at ang armadong grupo nito na New People’s Army (CPP-NPA).

Ngunit sa iba pang mga pag-uulat, ang mga atrasong ito daw, na nagawa ng CPP-NPA, kung tutuusin, ay higit kumulang na nasa $3 bilyong dolyres na ang halaga. Dahil ang kalapastanganang nagawa ng ngayon ay kung tawagin sa ingles ay Communist Terrorist Group (CTGs) ay mga paglabag din sa International Human Rights Law (IHRL).

Sa huling ulat nga ng Armed Forces of the Philippines-Center on the Laws of Armed Conflict (AFP-CLOAC) ang CPP-NPA ay may 1,506 ng bilang ng paglabag sa karatang pangtao at IHRL, sa loob lamang yan ng sampung taon magmula noong 2010 hanggang 2020, at patuloy pa rin nadaragdagan.

Paliwanag ni AFP-CLOAC Director BGen. Jose Alejandro S. Nacnac, patunay daw ito na mayroon talagang organisado, kuntsabahan at malawakang pagkilos ang CPP-NPA na pabagsakin ang pamahalaan sa pamamagitan ng iba’t ibang krimen, kaya nagresulta ito ngayon na sila ay bansagang grupo ng mga terorista.

Dahil ang kanilang mga krimen gaya ng pagpatay sa mga inosenteng sibilyan na pinipilit nilang sumunod sa kanilang ideolohiya sa mga kanayunan, pagdukot at paggamit sa mga kabataan para kanilang maging “child warrior, paninira ng mga ari-arian ng pamahalaan at ng mga pribadong indibidwal at mismong pagpatay sa kanilang mga kasamahan na pinagsususpetsahan na ummaanib na sa puwersa ng pamahalaan.

Hindi pa nga kasama riyam ang apat hanggang limang libong (4,000-5,000) nating mga kababayan na nawalan ng mga ikabubuhay dahil sa kaguluhang pinaggagawa ng CPP-NPA.

Kaya ang sabi pa ni Nacnac ang CTG kung nasasakdal ay may pananagutang kriminal na kailangang patawan din ng tamang kabayaran o damages.

Ang kasama naman nating taga-pagsalita rin sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Severo Catura, Executive Director din ng Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS), ay nagpaliwanag na sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act No. 9851 o ang ‘Republic Act on Crimes Against A nternational Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity’ na naisabatas noong December 11, 2009 ay nasasaad din ang pagbabayad ng mga danyos sa mga biktima ng karahasan at. paglabag sa mga karapatang pangtao.

Ngunit ano nga man ang halaga ng danyos, di nito maiibsan ang mga lungkot at pait na dinanas ng mga biktima o kanilang mga naulila.

Tama lamang na pagbayarin ang mga CTG dahil ang kanilang mga krimen ay di lamang labag sa mga lokal nating mga batas, kung di, maging sa mga internasyunal na mga hukuman. Ang kanilang panglilinlang sa bayan at pagpatay sa mga mismo nilang mga kababayan ay kailangan nilang panagutan.

The post Dapat nang pagbayarin ang NPA sa mga atraso nito appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dapat nang pagbayarin ang NPA sa mga atraso nito Dapat nang pagbayarin ang NPA sa mga atraso nito Reviewed by misfitgympal on Mayo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.