Facebook

Dalagita kumanta na ginagahasa at nabuntis nang mahuli sa drug bust ang 2 tiyuhin

NAGKALAKAS-LOOB ang isang dalagita na magsumbong sa mga otoridad na ginagahasa at nabuntis siya ng da-lawang tiyuhin nang madakip ang mga suspek sa drug bust sa Bascaran, Solano, Cauayan city.

Ang nadakip na magkapatid ay itinago sa mga pangalang Kevin, 45 anyos; at Aldwin, 56, magsasaka, biyudo; at kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa Solano Police Station, inilatag ng himpilan ang drug buy-bust operation laban sa magkapatid. Nakuha sa mga ito ang 2 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, sling bag na may lamang 3 plastic sachet ng shabu, 3 aluminum strips, lighter at isang canister.

Sa pagkahuli sa magkapatid na adik, nabatid na sila ang res-ponsable sa panggagahasa sa kanilang dalagitang pamangkin na itinago sa pangalang Jane, 17.

Ayon sa dalagita, nasa anim na buwan na ang kanyang ipinagbubuntis dahil sa pangmomolestya sa kanya ng kanyang mga tiyuhin.

Isinasagawa, aniya, ang panggagahasa kapag inutusan ang nakababata niyang kapatid na bumili ng miryenda sa tindahan na nasa 30 minuto ang layo mula sa kanilang bahay.

Isolated ang kanilang lugar kaya walang nakakaalam sa pangyayari na nasa limang taon na mula nang unang gawin sa kanya.

Napansin, aniya, ng nakatatanda niyang kapatid na lalaki ang bahagyang pag-umbok ng kanyang tiyan kaya nagsumbong narin siya.

Dahil sa nakaraang rekord na may pinaslang ang isa sa magkapatid ay natakot si Jane na baka papatayin siya at ang kanyang mga kapatid kaya hindi siya agad nagsumbong.

Ikinasa na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Rape laban sa magkapatid na ngayon ay nakakulong sa Solano Police Station.

The post Dalagita kumanta na ginagahasa at nabuntis nang mahuli sa drug bust ang 2 tiyuhin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dalagita kumanta na ginagahasa at nabuntis nang mahuli sa drug bust ang 2 tiyuhin Dalagita kumanta na ginagahasa at nabuntis nang mahuli sa drug bust ang 2 tiyuhin Reviewed by misfitgympal on Mayo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.